^

PSN Showbiz

Maris, tanggap ang karma

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maris, tanggap ang karma
Maris Racal.
STAR/ File

Ang bongga naman ng singer-actress na si Maris Racal na pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan nila ng ka-loveteam na si Anthony Jennings ay may inilabas siyang bagong kanta na ang pamagat ay Perpektong Tao.

Aktibo na nga ulit ang Incognito actress sa social media at nagbabalik na raw siya.

Nag-post siya bilang pag-anunsyo sa bago niyang kanta.

Ang pagsusulat daw niya ng kanta na iyon ay hindi niya inasahang magiging posible pala.

Nagmula raw iyon sa pinagdaanan niyang sakit, pagsisisi at tapang na humingi ng kapatawaran. Paalala raw iyon na kahit sa pinakamadidilim na pangyayari ay makakahanap tayo ng liwanag.

Ibinabagi  niya raw iyon sa mundo at umaasang makarating iyon sa mga mas nangangailangan noon.

Sa kanta ay maririnig ang lyrics na “Mapapatawad n’yo pa ba ako, binabago na ang buong pagkatao ko.”

Aminado naman din siya sa pagkakamali at bahagi rin ng kanta ang “Nakaluhod na sa masa, nilalasap na ang aking karma.”

Samantala, hindi pa rin talaga siya tinatantanan ng mga basher at hindi pa rin nakakalimutan ng mga ito ang kontrobersiya sa kanila ng ka-loveteam.

Sey naman ng ibang netizen ay ibalato na nga lang daw itong kanta sa aktres dahil sa mga nawala nitong endorsement.

Hinangaan naman siya ng ibang fans niya dahil sa halip daw na mag-self pity ito ay nakabuo pa ito ng kanta kaya sa huli raw si Maris pa rin daw talaga ang winner. Kumita pa raw ito habang ang mga basher ay lalo lang daw nanggagalaiti.

Kaya payo sa kanya ay ituloy lamang nito para lalong mainis ang mga ito.

At tiyak ko marami ang tinamaan sa ‘Perpektong Tao.’

‘Kaloka.

MARIS RACAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with