Noong Disyembre ay nakapagbakasyon si Carla Abellana sa Abu Dhabi. Nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na makita nang personal ang Hollywood actor na si Brad Pitt. “Oh, my gosh! Actually, siya po talaga ang kasama ko doon, aaminin ko na, ha-ha-ha! And Javier Bardem. We went to Dubai first then nag-Abu Dhabi kami, vacation lang po. They were shooting for their film. Hindi ko po ini-expect ‘yon, maski ako nagulat. Of course, hindi naman po up-close namin nakita, experience pa rin na you’re breathing the same air. Brad Pitt is Brad Pitt, napaka-handsome, kikiligin ka po. Kahit naman sino kikiligin dahil Brad Pitt, ang lapit po ‘di ba. May vibe lang siya na he’s a star. He’s a Hollywood star,” nakangiting kwento sa amin ni Carla sa Fast Talk with Boy Abunda.
Kagabi ay nagtapos na ang seryeng Widows’ War na pinagbidahan nina Carla at Bea Alonzo. Sa loob ng pitong buwang nagkatrabaho ay talagang napahanga si Carla sa pagiging magaling na aktres ni Bea Alonzo. “Ibang klase ‘yung Bea Alonzo, ibang level. In terms of creativity, she’s on a different level. Given na po na she has been in the industry longer. Ang dami kong opportunities for her na naging involved sa creative process. Ang dami po niyang ideas. Iba ‘yung kanyang passion for her craft, ibang klase ‘yung dedication niya sa trabaho po namin,” pagbabahagi niya.
Samantala, taong 2022 nang magkahiwalay sina Carla at Tom Rodriguez. Ngayong taon ay nakahanda na raw muling umibig si Carla. “I believe it’s very possible. Anything is possible but magsu-surrender ako kay God. Mas magtitiwala ako kay God this year. So, let’s see what He has in store for me. Ayaw ko naman pong i-block ‘yon or iwasan. Kailangan mas maging open po ako and ready for anything. Mayroong mga nanligaw pero ngayon suitors, manliligaw, wala po,” pagtatapat ng Kapuso actress.
Karylle, may demand sa mga kandidato
Nalalapit nang muli ang eleksyon sa buong bansa. Para kay Karylle ay kinakailangang dumalo ang bawat kandidato sa mga debateng pampubliko upang mas makilala ng mga botante. “Kailangan natin silang marinig. That’s why we have to demand it, as voters, as people. It is our job as voters to be more noisy about. Right namin ‘to, right namin na mapanood kayo. Gusto naming marinig more than your jingle, more than your TikTok dance,” makahulugang paliwanag ni Karylle sa radio show na Good Times.
Ayon sa It’s Showtime host ay kinakailangang piliing mabuti ng mamamayan ang mga karapat-dapat na manungkulan sa gobyerno. “Let’s educate the voters and make sure that we are all educated. As a voter, you should use your own brain. Discernment I think, is the word. Even in religion, you have to discern for yourself. Because you have to think for yourself. ‘Yung best gift that your parents can give you is your education because you’ll have to learn to think for yourself. Pero hindi nila pwede i-spoonfeed na ito ‘yung gagawin mo, anak. You have to learn to survive in the world,” giit ng aktres.
(Reports from JCC)