^

PSN Showbiz

Janno, sinagot ang privilege speech ni Sen. Jinggoy

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Janno, sinagot ang privilege speech ni Sen. Jinggoy
Janno Gibbs.
STAR/ File

Si Janno Gibbs na ang sumagot sa hininging reaction sa Vivamax girls sa pagko-call out ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa streaming service na VMX (formerly Vivamax) dahil baka may naba-violate na laws, may exploitation at nakaka-access ang minors.

Sa presscon ng Wow Mani, ang sexy gag show ng VMX na pangungunahan ni Janno, maganda ang kanyang pahayag. “Senator Jinggoy is doing his job, he is doing it very well. He has all the right sa opinions. Ako personally, opinion ko VMX is not a public viewing. It is a private venue. Magbabayad ka. ‘Di public eh. Naka-childlock eh, you need a card.”

Dagdag pa niya, “ Walang napapanood sa Vivamax na hindi napapanood sa Netflix. Se-censor din ba sila? Sometimes more pa nga ang napapanood sa Netflix.”

At ayon pa kay Janno, maraming natulungan ang Vivamax.“VMX has given these girls what they don’t get in other field, mainstreams. For a lot of them, this is a great stepping stone. Most of these movies are directed and written by well-regarded directors and writers. Quality-wise maganda siya.”

Kasama ni Janno sa sexy gag show ang maraming VMX girls na masaya to be given a chance na mapasama sa isang project na hindi sila naghuhubad, nakikipag-kissing scene o gumagawa ng bed scene. Ang iba nahirapan sa comedy dahil sanay raw silang maghubad.

Nagsimula na ang streaming nito last Jan. 7 at ang next episode ay sa Jan. 21 at streaming every Tuesday. This is written, and directed by Dominador Isip III na siya ring may concept. Kasama naman sa creative si Janno.

Dating business partner, mapait ang birthday message kay Ken Chan

Binati ng happy birthday si Ken Chan ng dati niyang business partner na nagdemanda sa kanya.

Birthday kahapon (Jan. 17) ni Ken at kabilang sa mga bumati sa kanya si Mark Wei.

Hindi nga lang kagandahan ang birthday greetings ni Mark kay Ken dahil ang sabi, “Happy Birthday @akosikenchan. Ang wish ko for your birthday ay sana lumabas ka na at sabihin mo na ang totoo para sa peace of mind ng lahat. Para matapos na to. You can run for now, but you can’t hide forever.”

Nasaan nga kaya si Ken?

Sayang ang career nito na naapektuhan dahil sa mga kasong isinampa sa kanya. Pero, paano siya magpapakita kung huhuliin daw agad?

JANNO GIBBS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with