Female personality, dilat ang mata kahit tulog!

Ibang klase rin pala ‘pag mine-make up-an ang isang magandang personality na sumalang na sa pulitika sa isang probinsiya.

Maganda naman si female personality. Pero naglalagay pa rin siya ng makeup.

Kasi nga, si female personality, natutulog daw ‘pag make-up time na niya. Hindi siya worried kung hindi pantay ang mga makeup na nilalagay sa kanya.

Basta ‘pag tapos na, ginigising na lang si female personality at go na sa appointments niya.

Pero ang higit na nakakaloka, ‘pag matutulog na siya, naka-make up pa rin at take note, bukas ang mata niya habang natutulog, huh!

Pero tulog si female personality. May ganoon palang tao, Miss President, huh! Natutulog nang dilat ang mata!

Pooh, nagpaparamdam ulit!

Nagpaparamdam muli ang komedyanteng si Pooh sa comedy scene dahil magkakaroon  ng concert sa Music Museum sa Feb. 8.

Eh kilala si Pooh sa impersonation niya sa boxing champ na si Manny Pacquiao pero kahit walang ginagaya eh magaling siyang komedyante.

Kaya naman hindi pahuhuli si Pooh sa dami ng stand-up comedians ngayon. May iba siyang tatak ng pagpapatawa!

Makakasama ni Pooh sa concert niyang Poohkie ay sina Pokwang, Chad Kinis at mula ito sa direksyon ni Andrew de Real.

Show comments