Church wedding nila Alex, inaabangan kung matutuloy ngayong 2025!
Lipas na ang panahon na ninenega ang Gonzaga sisters. Kumbaga, pulos positive na ang lumalabas at komento sa kanila.
Like sa birthday greetings ni Toni kay Alex kahapon, pulos papuri ang komento sa kung gaano kaganda ang bonding nilang magkapatid.
“Happiest birthday @cathygonzaga! Pasensya kana kung strict ako sayo when we were growing up. Ikaw ang first hand experience ko what it’s like maging mommy.
“Thank you for being everything I am not. Ang saya ng childhood natin dahil sa mga kalokohan and kakulitan mo and even to this day you bring so much life every time you walk in the room. Even if may pinagdadaanan ka, nagagawa mo parin ako pasayahin.
“Thank you for being my best friend, my teacher at times, my enemy when needed and my defender always. I know this will be your best year because you have been nothing but the best to me pag meron ako pinagdadaanan.. Thank you for loving my kids like your own… I know one day, in God’s time, pag ikaw naman, your kids will have the most fun life because of their mommy!! You are a blessing to me and our family! I love you and I will always always be here for you and Mikee!”
Pero marami ring nag-wish kay Alex na sana ay magka-baby na rin siya this year.
Anyway, matuloy kaya ngayong 2025 ang balak nila ng mister na si Mikee Morada na church wedding?
“‘Yun, gusto rin namin syempre mag-church wedding din ni Mikee, nakaplano rin. So, medyo marami rin tayong ginagawa sa personal nating buhay, which is, siguro ‘yun din siguro ‘yung will ni Lord,” naunang kuwento ni Alex sa isang interview.
Sa ngayon din daw ay hindi na siya napi-pressure magkaanak.
“Hindi ko na po pini-pressure, dati kasi pinressure ko, wala rin. So, ang ate (Toni) ko ang nabuntis,” kuwento pa niya sabay tawa.
- Latest