^

PSN Showbiz

Chavit nabura na sa balota, tuloy ang laban sa negosyong bangko

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Chavit nabura na sa balota, tuloy ang laban sa negosyong bangko
Richelle at Chavit

Ahh wala na ang pangalan ni dating Ilocos Sur governor at businessman Chavit Singson sa mga reprinted balota para sa midterm polls.

Kahapon nga ay opisyal na inihain ni Manong Chavit ang kanyang certificate of withdrawal para sa 2025 senatorial elections sa COMELEC.

Noong Linggo ay sinabi ni Manong Chavit na hindi na niya itutuloy ang pagkandidato, sa ginanap na launching sa pamamagitan ng isang major concert sa MOA Arena ng pag-aaring bangko ng negosyante na VBank (Vigan Banco Rural Incorporada (VBRI).

Ang vision ni Manong Chavit ay tulungan ang mga ordinaryong Pinoy na mag-bangko kaya tinawag niya itong ‘bangko ng masa.’

“Sa pamamagitan ng bank, mas madali kong maipapaabot ang aking pagtulong sa masang Pilipino. Ako’y umaasa na tatangkilikin ng bawat Pilipino ang bank upang matanggap nila ang aking pagtulong na naway magiging panimula tungo sa kaginhawahan ng kanilang buhay,” sabi niya that night bago pa inamin na meron siyang pneumonia kaya priority niya muna ang kanyang kalusugan sa kasalukuyan.

Anyway, two weeks lang pagkatapos ng soft launching nito noong Dis­yembre 15, 2024, nakapagtala ang VBank ng 133,000 downloads ang mobile application nito at 105,000 bagong account.

Naging host sa nasabing grand launching sina Billy Crawford, Tuesday Vargas, at Eric Nicolas. Nag-perform naman sina Bamboo, Gloc-9, at KZ Tandingan.

Samantala, marami namang sumaludo sa negosyante sa pagba-back out nito upang unahin ang kanyang kalusugan.

Sana raw, bagama’t malakas physically ang ilang celeb na kumakandidato para sa midterms elections, maisipan din nilang mag-back out para sa ikabubuti ng ating bayan. Hehehe.

 

CHAVIT SINGSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with