^

PSN Showbiz

Ruru, ‘di naniniwala sa 7-year itch

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruru, ‘di naniniwala sa 7-year itch
Bianca Umali at Ruru Madrid

Magpipitong taon nang magkasintahan sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Hindi umano naniniwala ang Kapuso actor sa mga sinasabi ng ilan tungkol sa ‘seven-year itch.’ Nakararanas diumano ng matinding pagsubok ang isang relasyon sa ika-pitong taon. “Personally, hindi ako naniniwala kasi nakasulat na ‘yan eh. Kung para kayo sa isa’t isa, kayo talaga,” nakangiting bungad ni Ruru.

Sa mga nakalipas na taon ay marami na ring pagsubok na nalampasan ang magkasintahan.

Magkasundung-magkasundo sina Bianca at Ruru sa halos sa lahat ng bagay. “Kahit sino pa ang pumigil, kahit ano pang klaseng tukso, pagsubok, basta nagtutulu­ngan kaming dalawa, lahat kakayanin,” giit ng binata.

Masayang-masaya si Ruru sa lahat ng suportang ibinibigay sa kanya ni Bianca. Nakikita ng aktor na si Bianca na ang kanyang makakasama sa habambuhay. “Kung hindi dumating si Bianca sa buhay ko, hindi ko makakamit ‘tong mga pangarap ko. Sabi ko nga, hindi na ako makakahanap ng ganoong klaseng tao. ‘Yung suporta na binibigay niya sa akin,” pagbabahagi ng Kapuso actor.

Samantala, ngayong Lunes ay mapapanood na sa GMA Prime ang Lolong: Bayani ng Bayan na pinagbibidahan ni Ruru.

Ngayon pa lamang ay nakararamdam na ng pressure ang aktor para sa kanyang ginagawang bagong serye. “Pressure na makagawa ka ng isang programa na tatatak sa puso ng sambayanang Pilipino. Siguro ‘yon din ‘yung lagi kong gustong pakiramdam dahil ayaw ko rin na makampante ako. So dapat laging kasama ‘yon sa bawat proyekto,” makahulugang pahayag ni Ruru.

Shaira, bibiyahe sa korea para sa wedding gown

Maglalabingdalawang taon nang magkasintahan sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman. December 25, 2021 pa nang maganap ang marriage proposal ng aktor sa dalaga.

Ngayong taon ay nakatakda nang magpakasal ang magkasintahan. “’Yung kasal definitely this year na po ‘yan. Parang kailan lang, nagpaplano pa lang po. Sa gown naman po, bibilhin ko siya sa Korea. Kasi sobrang love ko ang Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-drama, sa K-Pop, sa BTS. So gusto ko, Tito Boy, lagyan ng very personal na sa akin,” nakangiting pahayag sa amin ni Shaira sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa Cavite gaganapin ang church wedding na pinapangarap ng aktres. Dadaluhan ito ng mga pinakamalapit na kamag-anak at mga kaibigan kabilang na si Julia Montes. “Bandang Silang para tahimik, away from the noise. Do’n po lahat, church wedding po ito, my dream wedding. Very intimate lang po, close friends and family. Sina Arra (San Agustin), Kaloy (Tingcungco), Anjo (Pertierra), Julia Montes, lahat nandiyan sila (sa entourage). Lahat nang naka-witness sa love story namin from the very start, nandiyan po sila,” paglalahad ng dalaga.

Suportado umano ni EA ang lahat ng gustong mangyari ni Shaira sa kanilang kasal. Pinauubaya na lamang daw ng aktor kay Shaira ang halos lahat ng detalye para sa kanilang espesyal na araw. “‘Yan po ang nakakatuwa kasi hinahayaan niya lang ako. Kung ano ‘yung gusto kong makita sa wedding namin sini-send ko sa kanya, pinapakita ko and nagye-yes lang siya. Kasi sabi niya nga na ‘yung kasal is for the bride talaga eh. ‘Yon ‘yung day ng bride, so binibigay niya po sa akin ‘yon. Walang away, walang pressure, walang stress,” kwento ng aktres. — Reports from JCC

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with