Angel, nabawi na ang x!

Angel Locsin

Na-recover na ni Angel Locsin ang X (Twitter) account niya matapos itong ma-hack.

Kinumpirma nitong naibalik na ang account niya at sinabing “Hello everyone. long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na to, pramis) Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi.”

Ni-repost naman ito ng mister niyang si Neil Arce at sinabing “account recovered!”

Maaalalang ilang araw rin itong na-hack at kung anu-anong magkakasunod nga ang pinost ng hacker kaya nagbabala na ang inactive actress.

Tama lang ang ginawa nitong magparamdam dahil marami ang napapaniwala na siya ang nag-post sa hacked account nito at baka gamitin pa iyon para makapanloko.

Ayon sa mga tagahanga niya ay ginagamit daw iyon ni Angel kapag may mga bagyo at sakuna. Nasa username raw kasi nito ang numerong 143 na 143redangel dahil number daw ito ng Red Cross kung saan isa siya sa mga volunteer.

Hindi naman nawawala ang bashers at sinabing baka raw “testing the waters” lang ito kung nami-miss ba siya ng fans at baka raw may balak itong bumalik sa showbiz.

Habang ang fans niya ay dinepensahan siya ay napaka-toxic daw talaga ng mga basher na wala nang ginawang tama si Angel sa mata ng mga ito.

‘Kaloka.

Ka Tunying, may pa-libro sa 50th birthday!

Birthday kahapon ni Ka Tun­ying Taberna. At sa totoo lang, sina Ka Tunying at asawa niyang si Rossel Taberna ang dalawa sa pinakamabait na tao na nakilala ko.

Talagang ‘pag friend mo sila, alaga ka nila. Kaya nga hinayang na hinayang ako na hindi nakapunta sa book launch ni Ka Tunying kahapon ng hapon.

Lalo pa nga itong special event na ito dahil sabay sa birthday niya. Pero sure ako na napakaraming friends na pupunta sa launching ni Ka Tunying sa Solaire North.

Iyan ang maganda ‘pag isa kang mabait na tao, marami ang tiyak na maligaya sa anumang achievement mo.

Congrats and more power, Ka Tunying ­Taberna. Bongga.

Show comments