Historical film na Quezon, uumpisahan na!
Bayaniverse is back! ‘Yan ang announcement ng TBA Studios kahapon that it will officially begin production on the historical film Quezon on March 2025. The highly-anticipated follow-up to director Jerrold Tarog’s box office hits Heneral Luna and Goyo: Ang Batang Heneral is slated for a worldwide theatrical release later this year.
Ang tanong, kasama pa rin ba sina TJ Trinidad at Benjamin Alves?
Ang mas malaking tanong, kasama pa ba si Archie Alemania o hindi na?
Lumabas na ang statement ng MMDA/ MMFF sa total na kinita ng MMFF na umabot daw ng P800M at ang top 3 kahit alphabetical pa man ay And The Breadwinner Is..., Green Bones and The Kingdom.
Newbie actor, suwerte
Sayang hindi tuloy ang lipad ng newbie actor na si Dylan Menor sa Los Angeles dahil kasama dapat siya sa listahan ng mga ipapadala sa Manila International Film Festival mula sa pelikulang The Kingdom.
Ano ang role niya roon? Isa siya sa mga amuyong ni Sid Lucero na ‘wag kang kukurap para makita mo siya talaga!
Isang talent ng Stages si Dylan na ngayon ay may recording contract na rin sa Universal.
Chair Artes, naiinis na sa mga ‘maninira’ ng pelikulang Pilipino
Ramdam sa statement ang parunggit ni MMDA/MMFF Chairman Don Artes sa mga ‘di masiyahan sa naganap na Golden Edition ng festival.
Sabi nga ng isang producer, “Si Chairman pissed off na sa rami ng complaints. Nag-a-angst na nung huli kaming nagkita na ‘di naman siya showbiz at may iba siyang ginagawa. Grabe raw magreklamo at magcomment ang ibang tao. Lalo na yung mga Maninira Ng Pelikulang Pilipino.”
‘Yun na!
Napakalungkot sa paligid ng GMA ngayon dahil pumanaw na kahapon ang isa sa dati nilang boss na si Marivin Arayata na kilala bilang in charge ng Bubble Gang noong una pa lang.
Kaya hindi dapat balewalain ang COVID lalo na ‘yung may commorbidities din! Grabe ang nga ubo-ubo at sipon, lalo na sa senior citizens ngayon, ‘di ba? Kaya mang-iingat!
Nakikiramay kami sa PSN sa pamilya at mga naiwan ni Tita Marivin Arayata.
Rest in Peace, Tita Avin.
Nakakataquote:
“Siguro binigay ni Lord sa akin ang ganitong mukha kasi marami akong pagdadaanan sa life. So sabi Niya, at least gawin nating maganda ang babaeng ito, kasi minsan umaabot talaga ako sa point na, alam mo yun. Lord, alam mo yun, thank you na lang din sa mukha ko po.”
–Andrea Brillantes na sinagot ni Vince de Jesus ng : “I know the feeling’” at ni Celeste Legaspi ng: “Maganda naman siya talaga. Love her cheekbones.”
- Latest