^

PSN Showbiz

MMFF producers, tinamaan ng Eddie Garcia Law!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng 50th Metro Manila Film Festival, may ilan pa rin sa producers na nakakausap namin at talagang umaaray sila sa laki ng production cost sa ginawa nilang pelikula.

Sa mga nakakaintindi sa takbo ng paggawa ng pelikula, tiyak na alam nilang sa sampung pelikulang kalahok, posibleng dalawa hanggang tatlong entries lang ang nakakabawi-bawi sa inilabas nilang puhunan.

Ibinalita ng taga-And The Breadwinner Is… na naka-P400M sila sa kabuuan ng filmfest.

Kaya puwede talaga silang kumita diyan dahil may mga screening pa sila sa ibang bansa, at may  streaming kagaya ng Netflix.

Pumangalawa ang Green Bones na mukhang kumita sila diyan dahil kita naman na hindi ito gaanong magastos. Nagtipid din sila sa promo, kaya tiyak na maganda ang kita diyan ng GMA Pictures.

Pumangatlo ang The Kingdom na mukhang naglabas sila diyan ng malaki-laking production cost. Pero baka makabawi pa sila.

‘Yung ibang kalahok, hindi ko tiyak kung nakakabawi sila, pero marami sa entries ang masasabing lugi. Ayon sa ilang producers na nakausap ko, tinamaan daw talaga sila sa ipinapatupad na Eddie Garcia Law.

Nadodoble sila ng shooting days dahil limitado lang ang working hours ng mga artista at production staff. Hindi biro ang nagagastos bawat shooting day, kaya napapalaki sila ng production cost.

Tumaas nga ang presyo ng ticket sa sinehan, pero ang dami namang kaltas, lalo na ‘yung mga kasali sa MMFF.

Kaya naiisip nang magbawas na talaga sa paggawa ng pelikula o kaya magtipid nang husto para hindi ganun kalaki ang malulugi kung ‘di mag-hit.

Nung nakausap namin si Sen. Bong Revilla kahapon sa 50th birthday at book launch ng librong Tapatan ni Ka Tunying Taberna, naranasan na raw niya ‘yan nang prinodyus nila ang Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Nagdagdag daw talaga sila sa production cost.

Isa raw siya sa nag-push na maipasa itong Eddie Garcia Law, pero nakita nga niyang medyo mahirap talaga sa producers.

“Siyempre ako… producers din kami, nag-take side ako on the other side. Pero ginawa namin ‘yun, sinunod namin ‘yung Eddie Garcia Law. Katulad nung paggawa namin nung Tolome sa telebisyon, nag-co-prod with GMA at saka Imus Productions. Pero nakita talaga namin na medyo mahirap…magdagdag ka talaga ng additional cost sa production. Medyo mabigat talaga,” pakli ni Sen. Bong.

Kaya ang sabi ni Sen. Bong puwede naman daw makipag-dialogue sa kanila ang film produ­cers para magkaroon ng reconsideration.

“Siyempre, titingnan din natin ‘yung epekto nito. So, let’s see. Kung talagang hirap din ‘yung mga producers, baka meron tayong puwedeng i-reconsider, or puwede silang umapela sa amin sa Senate at sa House para kung ano ba talaga ‘yung karapat-dapat. Pero siyempre, marami na namang magrereklamo dyan.

“Ang magsa-suffer diyan e kung itutuloy ‘yung pagtitipid, ang magsa-suffer diyan ‘yung qua­lity. Pero siyempre, katulad ko hindi naman ako papayag na magsa-suffer ‘yung proyekto ko. Kaya nga lang, medyo dagdag talaga ng ano sa cost. Naramdaman namin ‘yun.

“Pero siyempre naisip ko rin ‘yung mga workers kasi subject to abuse din e. Ayaw din nating maabuso ‘yung mga workers natin. Kailangan case to case basis… dapat ‘yung tama lang talaga,” saad ni Sen. Bong Revilla.

Pauleen, natameme sa sinabi ng nanay

Hindi na umimik si Pauleen Luna nang mabasa niyang nagsalita ang Mommy Chat Luna niya para ipagtanggol si Vic Sotto, kaugnay sa isyu nito kay direk Darryl Yap. As much as possible ayaw na talaga nilang magsalita, lalo na ang mag-asawang Vic at Pauleen.

Ang daming humingi ng interview kay Pauleen, pero tumanggi ito dahil pinayuhan sila ng kanilang legal counsel na wala nang may magsasalita.

Pero iginigiit ng mga taong nakakakilala kay Bossing Vic na hindi totoo itong patuloy na ibinibintang sa kanya, pati sa kasamahan niyang sina Tito Sotto at Joey de Leon.

Mismong ang ina ni Pauleen ang nagsasabing mabuting tao ang asawa ng anak niya. Nakita raw niya kung gaano ito kabait lalo na sa mga kababaihan.

Kaya masaya siya nang mapangasawa ito ni Pauleen.

Sabi ni Mommy Chat, hindi lang daw talaga nakikita ng mga tao ang totoong Vic Sotto sa likod ng kamera.

Actually, sa nakaraang media launch ng bagong endorsement ni Bossing Vic na Sante Barley, tinanong siya kung sino ba talaga si Vic Sotto sa likod ng kamera, bilang isang simpleng tao lang sa kanilang tahanan.

Ani Bossing Vic, “Si Vic Sotto pa rin. Hindi naman siya nagbabago. Hindi naman siya nagbabago ng anyo. Ako’y tahimik lang, e. I’m more of a listener than a talker. Kasi, mga kasama ko sa hanapbuhay, sila ‘yung mga madadaldal.

“‘Yan, sina Allan K, sina Tito (Sotto), sina Joey (de Leon). E kung walang makikinig sa kanila, magugulo ang usapan.

“Kahit na when I was growing up, since I was the bunso. Four boys, lahat ‘yun, kailangang pakinggan ko, e. So lumaki akong ganun na tahimik lang. Nakikinig. I only talk when it’s time to talk. Pagka bagong kaibigan, ‘pag hindi mo ako kinausap, hindi rin kita kakausapin. Pero pagka komportable na ako, puwede na tayong magkuwentuhan.

“I’m more of a… I won’t say naman na an introvert. Shy type lang. Mahiyain ako. Kahit na nung bata-bata pa ako, mahiyain ako, e,” saad ng comedian/TV host.

Bilang isang tunay na maginoo, nagpasalamat si Bossing Vic sa mga dumalo doon sa media conference ng Sante Barley.

Aniya, “Thank you sa pag-iwas sa mga tanong na ‘di tapat tanungin.”

EDDIE GARCIA LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with