#MMFF50 naabot ang target na P800 million, Breadwinner kumite ng P400 million

Vice Ganda
STAR/File

Kahapon opisyal na nagtapos ang 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.

At umabot sa P800 million o target gross sales ng festival ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagtapos na filmfest.

“The MMFF would like to thank all the stakeholders and the public for making its 50th edition one for the books,” ayon sa kanilang statement.

Inilabas din nila ang top entries based on gross sales receipts in alphabetical order – And The Breadwinner Is..., Green Bones, and The Kingdom.

“Rest assured that the MMFF will continue all efforts by encouraging our stakeholders, especially the local entertainment industry, to create quality films. The key to our success is in collaborating, helping and supporting each other instead of fuelling divisiveness, coming out with unsubstantiated claims, and sweeping judgments,” pahayag ni MMDA/MMFF Chair Don Artes.

“We did our best to give the public the best edition of the MMFF for its Golden Year. There are lessons to be learned, but we acknowledge the great effort and sacrifice given by the ones who were part of this milestone festival. It was a success as it upped the standards from the previous MMFFs, and by saying so, we redefined our indicators beyond box office returns, which is worthy of another study, moving forward,” pagdidiin ni Chair Artes.

Taos-puso namang nagpasalamat naman ang Star Cinema sa mga manonood matapos umanong makapagtala ang And The Breadwinner Is…, na pinagbibidahan ni Vice Ganda ng P400 milyon na kita sa takilya simula noong ipalabas ito noong Disyembre 25.

Napapanood pa rin ang pelikula sa buong bansa at pati na rin abroad sa Malta, Italy, New Zealand, Australia, United States of America, Canada, Saipan, Guam, at Cambodia.

Sa nagdaang 50th MMFF Gabi ng Parangal, nasungkit ng pelikula ang Gender Sensitivity Award, habang kinilala si Vice ng Special Jury Citation award para sa natatangi niyang pagganap sa isang karakter na labas sa kanyang comfort zone bilang isang artista.

Mula sa Star Cinema at The IdeaFirst Company, kasama rin sa And The Breadwinner Is… sina Eugene Domingo, Malou De Guzman, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Anthony Jennings, Kokoy De Santos, Lassy Marquez, MC Muah, Via Antonio, Kiko Matos, Argus Aspiras, at Kulot Caponpon.

Show comments