Nagbigay ng reaction si Manay (Lolit Solis) tungkol sa kumalat na raket sa gay bar ng kanyang dating alaga na si Mark Herras.
Naawa ka ba? “Syempre naawa. Imagine mo, ‘yung status niya, para sa ganun, parang hindi ko naman sa inaano ‘yung mga nagpe-perform sa mga gay bar. Lahat naman may karapatan at kung minsan trabaho lang naman, kaya lang sana iniisip man lang niya (Mark) na meron siyang pinoproteksiyunan na career, kung may career pa ‘di ba.”
Dagdag pa niya : “Huwag na nga ‘yung anak. Lagi naman natin ginagawang panangga ‘yung mga anak, parang sila lagi ang dahilan. Ikaw mismo sa sarili mo, dapat ba mag-perform na sa ganun? ‘Di ba parang ganun? Ikaw mismo, tanong mo sa sarili mo, tama ba na at this point, mag-perform ka na sa ganun? ‘Di ba? Parang, parang lowest ano na ‘yun na gagawin mo para sa trabaho,” dagdag na tanong mensahe pa ni Manay Lolit sa kanyang dating alaga.
Maalala ngang sinulat ni Gorgy Rula four days ago sa PilStarNGAYON na rumaket si Mark sa gay bar, sa Apollo Male Entertainment, Roxas Boulevard. Naging special guest nga raw si Mark kaya’t P500 ang naging door entrance sa nasabing bar.
Kaya naman punung-puno raw ang bar ng ibang mayayamang matronics that night. “Pathetic,” hirit pa ni Manay Lolit. “Kaya nga ‘di ba nagalit ako nung nangungutang siya sa akin ng P30,000.
“Sana naman kung wala na siya talagang pangalan, pwede siguro siyang mag-perform. Pero ‘yung kahit paano nasa showbiz ka pa.
“Kasi ang mga tao ‘pag nabigyan ng chance na umangat ang buhay mag-stick ka na ru’n. Gawin mo ang lahat para mag-stay ka ru’n,” dagdag na komento pa ng talent manager na ngayon ay lay low na sa pagmama-manage ng mga talent dahil sa kanyang edad at kalusugan.
Ang tinutukoy ni Manay Lolit na umangat ang career ni Mark noon pero hindi naging masinop sa pera kaya nagkaganun.
Kawawa naman talaga.