BB, nagpapraktis maging nanay

Boy at BB

Hindi naging madali para kay BB Gandanghari ang kanyang pi­nagdaanan sa nakalipas na 16 na taon. Matatandaang unang nakilala bilang si Rustom Padilla ang nakatatandang kapatid ni Robin Padilla.

Ayon kay BB ay maraming mga kaibigan ang nawala dahil sa kanyang ginawang transition. “Maraming nawala, marami kasing nagtampo. Part of my transition was actually to isolate myself. Maraming hindi nakaintindi do’n sa isolation ko. I understand kasi baka hindi nila alam ang pinagdaraanan ko. Akala siguro ng marami, ‘Oh, she just disappeared,’ but on the contrary, it’s just really part of the transition. Sa mga taong nanatili, Pops (Fernandez) is there. She proved to me, mayroon kaming tampuhan but she understood all the way. Marami rin kasi kaming pinagdaanan,” makahulugang pahayag sa amin ni BB sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para sa dating aktor ay naging malaki ang naging impluwensya ng inang si Eva Cariño sa kanyang pagkatao. “I became very independent because she’s very strong. Mama at papa namin siya eh, although nakikita naman namin ang papa namin. But she’s very strong sa pagdidisiplina sa amin. Ako ‘yung naaasahan niya pagdating sa… ako ‘yung namamalengke. Ini-enroll ko ‘yung sarili ko, ini-enroll ko si Robin. And giving me that kind of trust at the very young age, but now that I’m in the states and living my own life, do’n ko lahat binubunot ‘yon,” paliwanag niya.

Matatandaang nagkaroon din ng tampuhan sina BB at Robin noon. Muling naayos ang gusot sa pagitan ng magkapatid dahil sa kanilang mahal na ina. “There was a time na ayaw niya (Robin) akong makita. Si Robin at si Rustom are brothers. So they treat each other as brothers. Ang malaking pagkakaiba, tinuturing ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister. Ramdam na ramdam ko ‘yan, kapag nasa pila kami, ladies first. He is treating me as a sister now more than a brother. Tinatrato niya ako now na mas batang kapatid,” kwento ni BB.

Nasa Amerika si BB nang mamatay ang kuya nila ni Robin na si Royette Padilla apat na taon na ang nakalilipas. Hindi raw naging malapit sa isa’t isa bilang magkapatid sina BB at Royette kahit noong kanilang kabataan. “I was never close to him. Never ko siyang nakilala kung ano siyang klaseng tao. Hindi kami nakapag-usap tungkol sa aspirations at frustrations niya. Sana magkaroon tayo ng pagkakataon na magkakwentuhan. Gusto ko siyang makakwentuhan actually. Kasi pinakamasakit na nangyari sa akin no’ng pandemic. It hit me so hard kasi naka-zoom ako habang wake hanggang li­bing nando’n ako sa zoom. Then pagkatapos ng libing, all of a sudden wala akong mayakap, wala akong mahawakan. Do’n ko naramdaman ‘yung wala akong proper goodbye. Up to the last minute wala akong moment sa kanya, just to be with us,” emosyonal na pagbabahagi ni BB.

Samantala, madalas na nakikitang nagluluto si BB sa kanyang mga video sa social media. Kapansin-pansin na maramihan palagi ang kanyang mga putaheng ginagawa. “Aaminin ko ha, nagluluto ako maramihan na para ilalagay ko sa freezer. Comfort food na ‘yan, mahirap kasi magluto paisa-isa. Pero deep in my heart, nagsasanay na talaga ako. Minsan, ‘Mga anak, ready na tayo kumain. Tawagin n’yo na si daddy.’ Gano’n ‘yung mental state ko ‘pag nagluluto. I think I’m ready to mingle, hindi ko rin naman minamadali,” nakangiting pagtatapat niya. (Reports from JCC)

Show comments