Pauleen, hindi naiisip na mag-showbiz ulit
Talaga namang sa lahat ng alaga ko, isa sa very happy ako dahil kitang-kita ko ang kaligayahan sa kanyang married life si Pauleen Luna Sotto.
Talagang ang ganda ng relasyon nila ni Vic Sotto, at kita mo ‘yung contentment sa mukha niya at hindi na sumagi sa isip na balikan ang trabaho sa showbiz.
Hands-on sa pag-aalaga si Pauleen sa mga anak nilang sina Tali at Mochi. At kitang-kita mo na maganda ang pagpapalaki nilang ginagawa sa mga anak dahil lagi na siyang andun.
Suwerte rin si Pauleen dahil nagagabayan siya ni Mommy Chat na siya ring dahilan kung bakit maayos silang lumaki ng kapatid niya.
Iba talaga ang aura mo ‘pag maligaya ka sa married life mo. Every time we see the happiness in Pauleen, we want to thank Vic for it. At para happy si Chuck Gomez everyday umiinom at nagti-take ng Sante Barley ang mag-asawang Vic at Pauleen Sotto. Sure ako lalaki rin sina Tali at Mochi na regular na taker ng Sante Barley.
Bongga.
‘Ang aso ay regalo ng langit’
Ang tagal kong naka-recover doon sa upset feeling dahil sa mga napanood kong video ng mga sinasaktan at pinapatay na aso.
Talagang up to now hindi ko maisip kung paano nagagawang saktan ng isang tao ang inosenteng aso at kung minsan ay nagiging cause of death pa ng mga ito.
Hindi lang dahil sa isa akong dog person pero kahit sino siguro makakaramdam ng galit ‘pag makitang masyadong cruel ang trato mo sa kahit anong hayop.
Imagine mo ‘yung wala silang kalaban-laban. Buong araw na dinala ko ang sad feeling at mabuti na lang nasa tabi ko si Jokjok na parang alam kung ano ang nararamdaman ko.
Ang mga aso para sa akin ay isang regalo sa atin mula sa langit. Mahal nila tayo nang walang kondisyon. Napaka-loyal. Tratuhin mo sila nang mabuti, please. Para bongga.
- Latest