Michael Sager, sinasapawan ang ibang Kapuso actors?!

Michael at Jilian

Maganda ang ratings ng pagsisimula ng dalawang Kapuso shows na nagsimula noong Lunes, Jan. 13.

Nanguna nung araw na ‘yun ang pilot episode ng Prinsesa ng City Jail na pinagbidahan ni Sofia Pablo kasama si Allen Ansay.

Naka-7.2 percent at na-maintain siya nung Martes na 7.2 percent pa rin ang rating.

Kinagabihan ay nagsimula na rin ang drama series ng GMA News Public Affairs na My Ilonggo Girl na pinagbidahan naman ni Jillian Ward kasama si Michael Sager.

Sa pilot episode nito nung Lunes ay naka-6.2 percent ito. Pero nung Martes ay bahagyang bumaba sa 5.9 percent.

Nahaluan ng konting intriga itong pagsisimula ng dalawang programa dahil sa alam naman ng lahat na hindi pa rin nagkaayos ang dalawang bida ritong sina Jilian at Sofia. Nagsimula ang kanilang gap nung nagkasama sila sa Prima Donnas, at iniiwasan na sana nila itong pag-usapan.

Pero na-interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras si Sofia, at naungkat ito ulit na sinagot naman ng young actress.

Hindi na gaanong ipinaliwanag ni Sofia kung paano ito nagsimula, dahil talaga namang BFF sila nung nagsimula sila sa Prima Donnas.

“Ayoko na rin nai-issue kami both lalo na pareho kaming nasa peak ng careers.

“You can’t force friendship to reconcile out of nowhere lalo na ‘pag wala pa kayong reasons na… hindi naman reasons. Parang, wala pa kayong ways na paano nga tayo magkakaayos e walang gusto na ano ang nangyari?” Sabi pa ni Sofia.

Pero ang isa pang naiintriga ngayon ay ang leading man ni Jillian na si Michael Sager.

Napapansin na raw ito ng ibang taga-Sparkle na tila siya ang paboritong artista sa ngayon.

Pagkatapos nung Tahanang Pinakamasaya, tuluy-tuloy na siya sa iba’t ibang shows sa GMA 7.

Sa umaga ay napapanood siya sa TiktoClock, at kinahapunan ay sa Shining Inheritance.

Pagkatapos ng Shining Inheri­tance, sinimulan naman ang My Ilonggo Girl na sa gabi naman napapanood.

May nag-react na raw na bakit siya ang mas napapaboran, gayung co-managed naman ito sa Cornerstone.

Bakit hindi raw i-prioritize ang talagang homegrown talents?

Sino kaya ang tila nai-insecure na sa magandang pagtrato ng GMA 7 kay Michael?

Promising naman talaga si Michael Sager, at dito sa My Ilonggo Girl ay bagay naman talaga sila ni Jillian. Nakitaan na namin ‘yung chemistry nila nung nagsama pa lang sila sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Ogie at Regine, may musical numbers sa pamamanhikan kay Leila!

Biglang nasalang sa mini-concert ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa pamamanhikan ni Mito Curtis sa anak ni Ogie na si Leila Alcasid.

Ikinuwento ito ni Regine sa nakaraang media conference ng Valentine concert series niyang Reset na ginanap Samsung Performing Arts Theatre noong Martes ng hapon.

Nagkasama-sama nga raw silang lahat doon sa pamamanhikan na dinaluhan pa ng nanay ni Leila na si Michelle Van Eimeren. “Ayun masaya naman. We’ve got to meet the family of Mito, her fiancé. So, we’ve got to meet them, it was a fun dinner. Dinner lang naman, wala namang anything na ano, dinner lang tapos kumanta lang kami ng asawa ko. And they were so happy about the musical numbers, hindi naman nila ini-expect ‘yun. We also didn’t think of doing it, parang last minute lang. It was a nice nice dinner,” saad ni Regine.

Anak na talaga ang turing ni Regine sa kanyang stepdaughter, kaya bilang nanay ay nagbibigay rin daw siya ng payo kay Leila. Pero siyempre, mas mahalaga raw ang payo ng mismong nanay na si Michelle.

“Normal lang naman ‘yun pagka nanay ka, kahit unsoli­cited advice kahit hindi hinihingi. Oo siyempre kahit papano meron naman konting binibigay.

But, I’m also… kasi I want from her to have her time with her mom, si Michelle. Kasi siyempre meron din siyang sarili na i-impart dun sa daughter niya. So ayun! Meron din akong konti, pero siyempre mas importante ‘yung kay Michelle,” pakli ni Regine.

Apat na gabi ang concert ni Regine na Reset na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theatre sa Circuit, Makati.

Sa Feb. 14 at 22 ang originals na kakantahin, at ang covers naman ay sa Feb. 15 at 21. Isa sa gabing ‘yun ay special guest niya si Stell ng SB19.

Show comments