“I take everything in moderation,” sabi ni Bossing Vic Sotto.
At kumakain lang daw siya kung kailangan lang kumain.
Hindi rin daw siya mahilig sa junk food or sweets or maging softdrinks.
Naggo-golf siya, brisk walking around the village.
Pero aminado siyang hindi na niya kayang sabayan ang kanyang maybahay na nagpapapayat, si Pauleen Luna, lalo na sa intense exercise, dahil baka hindi na kaya ng kanyang tuhod.
Kaya naman wala raw siyang maintenance tulad sa mga kasama niya sa Eat Bulaga “si Tito, si Allak K,” birong banggit niya sa pangalan ng dalawang co-host sa noontime show na napapanood sa TV5 sa ginanap na media launching bilang pinakabagong ambassador ng Santé Barley.
Pero kaya pa ba niyang magka-third baby sila ni Pauleen?
“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen, ako kaya ko pa,” sabay tawa ni Bossing Vic kahapon.
“Pero aniya, I always live it to God kung ibi-bless pa kami ng isang baby,” dagdag pa niya.
Mag-iisang taon na si Mochi sa March at ang lakas na raw nitong kumain.
“Pinakakain ng kung anu-ano ng kanyang nanay,” sabi niya kahit burger.
“Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na nang mag-isa niya, pero mga 2 seconds lang, bagsak ulit,” kuwento pa ni Bossing Vic.
Pero if ever daw, bahala na si Lord.
Anong bet niya baby boy or baby girl ulit?
“Okay na, ang dami kong apong lalaki, ang gugulo. Anak ni Oyo, 5 lalaki. Tapos si Danica, may dalawang lalaki. ‘Pag nasa bahay, parang may riot parati sa bahay namin ‘pag nandu’n ‘yung mga apo kong lalaki.
“Okay na sa akin ang mga babae, they’re very sweet, they’re very malambing. I always look forward to going home kasi tanggal lahat ang pagod ko sa trabaho ‘pag nakita mo na ‘yung mga anak mong mababait,” sey ni Vic.
Dahil sa gag order, hindi na natanong si Bossing sa kontrobersiya kay Direk Darryl Yap.
Pero idiniin niya na “I’m good, I’m relaxed, just going with the flow. Basta ako naman eh I trust in God,” sabi niya sa isang tanong na naikonek ng ibang writer sa nasabing kontrobersya.
“Cause I have a clean conscience. Malinis ang pakiramdam ko. Wala namang dapat ika-worry. So, mai-stress ka lang pagka inisip mo eh.”
Kinakatawan ni Vic ang qualities na mahalaga sa Santé Barley: authenticity, vitality, at proactive approach to health. Excited si Bossing sa partnership: “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay nang mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
Kilala ang Santé Barley sa mayaman nitong nutrient profile, na puno ng essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants. Ang regular na consumption ng barley grass ay napatunayang importante sa pag-improve ng digestion, pag-enhance ng immunity, at sa pag-boost ng overall vitality.
Mula sa kilalang pamilya ng mga Sotto, na kinabibilangan din ng kanyang mga sikat na kapatid gaya nina Tito and Val Sotto, malawak ang legacy ni Vic. Ama siya sa kanyang anim na mga anak kasama rito ang aktor na si Oyo Boy Sotto at ang public servant na si Vico Sotto, na alkalde ngayon ng Pasig City. Sa TV man kung saan host siya ng Eat Bulaga o sa piling nga kanyang pamilya, kinakatawan ni Vic ang enerhiya na pinopromote ng Santé Barley.
“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” added Santé’s CEO Joey Marcel. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”