Jolina, beyond soulmate ang turing kay Marvin
Bongga ng takbo ng career ni Jolina Magdangal.
Pagkatapos ng kanyang character na si Lily sa Lavender Fields, ngayong Biyernes magiging busy kaagad siya sa showing ng reunion movie nila ni Marvin Agustin na Ex Ex Lovers.
Nakilalang pampapa-goodvibes ang personality ni Jolens pero nag-enjoy pa rin siya sa gray character na ginampanan sa magtatapos na drama series.
“Na-enjoy ko si Lily kasi ngayon lang ako gumawa ng gray. Kasi dati parang madaling gumawa ng trabaho kapag medyo nandun ka sa groove mo eh. Eh, ang tagal kong hindi nagso-soap, eh. Okay, banlaw ka lang, mag-vacation ka. Tapos isa ulit na project, aral ka ulit ng isang role mo. Ito, nangapa ako,” pag-amin ni Jolens nang makausap namin sa finale conference ng Lavender Fields.
“Nangapa talaga ako. Tapos ang dami nang bago, meaning ‘yung script na nasa papel dati... gusto ko pa ‘yung sinusulatan. Ngayon, kailangan ko i-zoom. Kailangan ko na magsalamin kasi nasa iPad na. So, syempre ‘yung mga ibang mong kasama. ‘Yung mga staff, bata pa. Wow, sige, go-go-go pa sa madaling araw,” chika pa ni Jolens.
Samantala, beyond soulmate raw talaga ang ang ‘relasyon’ nila ni Marvin na mas naramdaman niya sa reunion movie nilang ito. “Kasi dahil ngayon ko lang naramdaman ‘yung ganitong level din ng connection sa isang tao. Na bukod sa kapamilya mo siya, bukod sa katrabaho mo siya noong bata kayo, bukod sa kaibigan mo siya, parang beyond soulmate pa eh. Iba ‘pag nagkukwentuhan kami. Iba, tapos parang minsan, tingnan mo nga naman tayo dati ‘no.”
“‘Yung parang mapapaganun ka pero dati parang problema niya.... ang hirap kausapin ni Marvin. Pero ngayon, nag-mature na at saka... Dito sa movie na ito, ang gusto namin kasing iparamdam sa mga tao, ‘yung nostalgia,” pa-throwback chika pa niya sa amin.
Pero ibang atake na raw ang ginawa nila rito. Hindi na pagpapa-cute. “Dito ko napatunayan na ‘pag sinabi mong mature ang isang istorya, hindi kailangang maglupasay ka na magpa-sexy ka. Walang ganun?”
Hindi ba naiinggit sa’ yo si Marvin na meron kang happy family?
“Hindi naman. Alam mo, supportive nga siya. Sabi niya, oh, minsan punta naman kayo rito. Ako magsi-serve sa inyo dun sa Cochi niya (restaurant ni Marvin).”
Pero sa totoo lang, parang hindi naman siya nagbabago?
“Actually ang tawag nga sa akin chuva choo choo pa rin. Sabi ko, wala na bang iba?’ Pero, ewan ko, basta huwag akong bibigyan ng candy, charot! Basta, hindi ko rin naman sinasadya na magmukhang ano... siguro sa pagkabungisngis lang or ano. Ano nga ba, hindi ko alam eh. Kasi tayo, tayo naman ‘yung matatagal na rito.
“Actually ganun naman, up to now, ‘di ba? Bumabalik. ‘Yung mga earrings, mga headband, ‘di ba? Mga girl group, ‘di ba?,” na totoo naman na parang siya pa rin ang peg.
Showing na nga pala sa Feb. 12 ang Ex Ex Lovers.
- Latest