Ilang taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jillian Ward at Sofia Pablo. Hanggang ngayon ay hindi pa umano naaayos ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres. “Hindi kami magkaaway, hindi rin kami magkasundo or something. Pero the truth is, I say that para iwas na issue sa amin both. Kumbaga, it’s a feud na sobrang tagal na. I think one of the things kaya ‘di namin siya naayos is because we never got to talk about it,” pagtatapat ni Sofia sa GMA Integrated News.
Matatandaang nagkatrabaho ang dalawang aktres saseryeng Prima Donnas noong 2019. Kapwa-bida nina Jillian at Sofia si Althea Ablan sa naturang proyekto na nagtapos noong 2022. Ayon kay Sofia ay talagang malapit sila ni Jillian sa isa’t isa noon. “Nagulat na lang ako biglang hindi na. Gano’n ‘yung nangyari sa amin. After no’n, we never talked anymore. We’re close tapos biglang wala na. Like literal wala na, in a snap. Wala pong bwelo na ilangan, literal, stopped,” kwento ng dalaga.
Para kay Sofia ay kailangang tigilan na ang isyu tungkol sakanila ni Jillian. Darating umano ang tamang panahon na muling magkakasundo ang dalawang aktres. “People should stop making an issue about it. Like kung ‘di kami okay, I don’t see any problem with it. Kumbaga it’s normal. You can’t force friendship to reconcile out of nowhere. I think darating naman when the time is right. Kapag may taong nag-start na, ‘Bakit ‘di kayo mag-usap?’ And now is not the right time yet since kahit ako labong-labo rin ako,” giit ng Kapuso actress.
Jodi, nagiging teknikal sa ibang serye
Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang Lavender Fields na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Marami umanong natutunan ang premyadong aktres dahil sa paggawa ng isang proyekto na action-drama ang tema. “I realized that doing action genre or action serye is not easy. Kasi you have to do everything simultaneously. Knowing your lines, character, knowing your emotions, your choreography. Lahat kailangang maipakita mong nangyayari na may flow. Hindi dapat makitang inaral or bilang or nangangapa. Grabe, sobrang challenging,” nakangiting pahayag ni Jodi.
Nahiligan na rin ng aktres na manood ng iba pang action series. May mga pagkakataong nagiging teknikal si Jodi kapag nakakapanood lalo na ng international action series. “Ngayon sobrang maa-appreciate mo ‘yung kapag nanonood ka ng action series sa Netflix, ang naiisip ko, ‘Gaano kaya nila katagal ni-rehearse itong scene na ito?’ Umaabot sa point na teknikal ka na kasi nagawa mo na ito. Naiintindihan mo ang degree of difficulty kapag gumagawa ka ng action serye,” paliwanag ng premyadong aktres. — Reports from JCC