Ang bongga naman ng aktres na si Judy Ann Santos na pinagmalaki na nakapagtapos na sa kanyang Professional Culinary of Arts Program.
Ipinost nito ang litrato hawak ang kanyang mga medalya na may caption na “And… this happened today..
“graduate na ko ulit for my pro-asian culinary studies!! Yipeee!!! What a way to start 2025!! Loving my golds!”
Sa culinary school niya raw ang nagpaniwala sa kanya na meron pa siyang magagawa bukod sa acting.
Wala raw sa edad ang matuto ng mga bago kaya sey niya “aral pa tayo some more.”
Graduate na nga raw siya sa edad na 46.
Congrats, Juday. Bongga,
Maraming nasaktan?!
Maliit na komunidad lang ang showbiz. Kumbaga kilala na natin ang isa’t isa at iginagalang natin ang mga tao na alam natin na dapat igalang.
Kaya hindi maganda ‘pag nagsasalita ka nang hindi maganda sa mga taong alam mo na one day baka makasama mo rin dahil nasa isang community lang kayo.
Meron tayong karapatang magsalita ng ating saloobin, pero dapat constructive para mas makatulong pa at huwag makasira. Kaya nabigla rin ako sa binigay na reaction ni Butch Francisco sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bilang miyembro ng Manunuri at Urian awards dapat siguro mas constructive ang ginawang article ni Butch.
Sure ako na marami ang medyo nasaktan sa ginawa niyang review. Lalo pa nga ngayon na hindi na kagaya ng dati ang showbiz. Dapat lang na mas bigyan ng inspiration ‘yung mga nagpo-produce para gumawa pa ng pelikula.
Mas kailangan natin ang encouraging words para lumakas ang guts ng bawat producer na ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula.
Very helpful nga ang grupo nila Noel Ferrer sa pagtulong nila sa mga sumasali sa MMFF dahil alam nila na problema ngayon ng showbiz.
Isipin natin na talagang ngayon dapat magtulungan para hindi mamatay ang showbiz. Sayang naman.
Let us help instead of destroying sa pamamagitan ng pagbibigay lakas ng loob sa isa’t isa.
Hindi ‘yung lalaitin mo pa.
Pero napanood ba ni Butch ang mga pelikula sa MMFF?