Kahapon na ang huling araw ng extended na 50th Metro Manila Film Festival. Ang dami nang nagtatanong kung naka-magkano na ba talaga ang kinita ng sampung pelikulang kalahok.
Ang sabi ng taga-MMFF, tina-target nila ang P800M na total gross. Kaya ‘yun ang tanong ng karamihan. Naabot kaya nila ito?
Marami na ang nagsasabi sa aming mahirap daw maabot nito base sa mga napagtanungan nila at pag-iikot sa mga sinehan.
Pero nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is… na mahigit P300M ang kinita.
Ayon sa ilang napagtanungan namin, pumangalawa na ang Green Bones, kaya tiyak na bawi sila rito dahil mukhang hindi naman ganun kalaki ang production cost ng pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Abangan na lang natin ang announcement ng official box office results ng 50th MMFF. Hindi lang natin tiyak kung maglalabas ba sila kung naka-magkano ang 10 entries.
May mga natutunan tayo sa nakaraang MMFF na siguro dapat na pag-usapan nila sa filmmakers, producers at iba pang stakeholders.
May nakausap nga akong ilang producers, mahirap daw talaga at hindi biro ang mag-produce ngayon ng pelikula, lalo na itong kasali sa MMFF.
Lumalaki ang budget nila dahil ang isa sa malaking epekto sa kanila ay itong sinusunod nilang Eddie Garcia law dahil nadadagdagan talaga sila ng shooting days.
Bawat shooting day ay milyon ang ginagastos diyan pero wala silang magawa kundi sumunod sa batas.
Kaya ang hirap din talaga ng kalagayan ngayon ng ating mga film producer na hindi talaga biro ang inilalabas nilang pera.
Sana magkaroon ng dialogue ang taga-MMFF sa mga producer, pati theater owners kung paano naman sila mapoprotektahan kapag hindi maganda ang takbo sa takilya.
Samantala, wala pa tayong balita kung matutuloy ba talaga ang Manila International Film Festival sa Los Angeles, California. Parang hindi kasi talaga tamang timing na ituloy nila sa gitna ng pinagdaraanan ngayon ng mga kababayan natin doon.
Gusto nang umatras ng iba dahil parang napaka-insensitive naman daw na nagse-celebrate habang ang daming nahihirapan sa matinding wildifire sa LA.
Pinagkakaabalahan ng mga kababayan natin doon kung paano sila sa makatulong sa mga nasalanta ng malakihang sunog kaya wala silang panahon para lumabas at manood ng sine.
May nagtatanong din kung tuloy ba ang Summer Metro Manila Film Festival. Iyan ang isa pa sa aabangan natin sa mga taga-MMFF at MMDA.
Pops and Martin, nakitaan kaagad ng interes sa music ang apo
Hindi maitatangging marami pa rin talagang fans ng tambalan nina Martin Nievera at Pops Fernandez na matutuwa sa pagbabalik nila sa concert.
Inaabangan na nila itong pre-Valentine show nilang Always and Forever na gaganapin sa SM MOA Arena sa Feb. 7.
First time pala nilang mag-concert na magkasama sa SM MOA Arena.
Ang huli nilang pagsasama ay ‘yung series nila sa Solaire nung bago pa mag-pandemic.
Sa solid fans ng dating mag-asawa, ibang Martin at Pops ang asahan nila sa kanilang pagbabalik concert.
Wala na ‘yung kilig, pero nandiyan pa rin ang malakas nilang chemistry lalo na ngayong lolo at lola na sila.
Sa totoo lang, ang laki nang nagawa ng apo nilang si Finn para naging close pa silang dalawa.
Ani Pops, “Maybe, because we’re equally excited to be with our very first grandchild. Kumbaga sa… ang cute cute kasi niya e. He’s so bait alam mo ‘yun. He’s such a happy baby na yeah!
“I would have never plan a trip to another state with Martin for Christmas. Siyempre, we have our own lives no? But somehow na we’re doing that because of Finn you know, because of our two boys. We always want something with our boys, just for the concept of being a family no? Ngayon, parang mas nag-e-effort kami because of him. We don’t wanna miss out.”
Agree naman si Martin na excited din sa kanyang apo.
Nakitaan din daw nilang mahilig din sa music ang kanilang apo.
“He’s very musical ha?” bulalas ni Pops.
“It happens so many times. Robin would bring him during our rehearsals in the States, and he really listens. He listens so much that he falls asleep. Every time na nagre-rehearse kami. So, I guess the music and the loudness doesn’t really bother him. Maybe it’s a sign that he will also be interested in music no?” dagdag niyang pahayag.