Sandara, sa Pilipinas na ulit maglalagi?!

Sandara Park

Regular na uli na mapapanood sa local TV si Sandara Park dahil siya ang host ng bagong boy group search ng TV5 at MLD Entertainment na Be The Next: 9 Dreamers.

Tsinek namin ang Instagram ni Sandara o Dara para malaman kung may na-post na siya tungkol sa show at wala pa siyang nababanggit. Curious ang fans na malaman kung dito ba gagawin ang Be The Next: 9 Dreamers o sa Korea? Gusto ring malaman ng netizens kung Korean lang ang contestants o puwede ang Filipino?

Hintayin na lang natin siguro ang announcement ng TV5 at MLD Entertainment to know more of the show.

Makakasama niya raw sa show bilang mga mentor sina EXO-CBX’s Chen, AB6IX’s Park Woojin, Bang Yedam, Hori7on’s Vinci at Momoland’s Hyebin.

Magsisimula ang airing ng bagong show sa Feb. 8, 7:15 p.m., sa TV5.

John, itotodo ang panggugulo ng buhay!

Sa Kapuso network muna mapapanood si John Arcilla, sa action series na Lolong: Ba­yani ng Bayan bilang si Julio na isang kontrabida. Guguluhin daw niya ang buhay ni Lolong at nagpa-sample pa nga nang ipakilala siya at umastang parang may binabaril. Nagbitaw rin ito ng salitang “p*nye*a.”

“Gusto kong lumikha ng ibang klase ng karakter. Gusto kong haluan ng bago. Gusto ko ang pagka-demonyo ng karakter ko ay mas pa sa ginagawa ko kesa hitsura ko,” sabi pa ni John, sabay tapik kay Ruru Madrid na nasa tabi niya, na bida sa serye.

Binanggit din ni John na reunion nila ni Ruru ang Lolong dahil nagkasama na sila sa Encantadia. Excited siya to work with the actor again at pati si Jean Garcia na matagal na niyang hindi nakakatrabaho.

Sa Jan. 20, 8 p.m., sa GMA 7 ang world premiere ng Lolong: Bayani ng Bayan sa direction nina Rommel Penes at King Marco Baco.

Pangako niya, siguraduhin niyang matatandaan ninyo ang mga karakter ng series kahit 50 ang cast members nito.

Kim at Paulo, tinuloy ang disappear

Ayos na ang problema nina Paulo Avelino at Kim Chiu at Star Cinema sa pelikulang My Love Will Make You Disappear, dahil tuloy na ang shooting ng movie. Pinost ni Kim sa IG Story niya ang photos na nasa shooting sila ni Paulo at naka-smile siila, lalo na ang aktor.

Ibig sabihin, naaayos na kung anuman ang naging problema na kung natatandaan, nakapagbitaw pa si Paulo na salita na parang gusto niyang hindi tapusin ang shooting ng movie.

Sa isa pang post ni Kim, nakasulat ang “See you in cinemas on March 26! Di na kami mag-disappear.”

Kaya lang, may iba pa ring KimPau fans na hindi matanggap ang pagbabago ng playdate ng movie dahil matagal na raw nilang hinintay. Sinisisi pa rin nila ang Star Cinema dahil may mga nabagong plano dahil sa pagbabago ng playdate.

Ang karamihan naman sa KimPau, tanggap ang bagong playdate ng MLWMYD at susuportahan pa rin nila ang pelikula. Tuloy rin ang goal nilang paabutin ng P1B ang box-office gross ng first movie ng kanilang idolo.

Show comments