Pokwang, excited sa ‘#Pookie’
Tiyak na kagigiliwan ng mga manonood ang live comedy show nina Pokwang at Pooh na ‘#Pookie.’ Gaganapin ito sa Music Museum sa February 8. Taong 2008 pa nang unang magkaroon ng ‘Pooh-Kwang’ concert series ang magkaibigan. “Siyempre ito na nga, very, very excited ang lola mo dahil finally natuloy na rin ito. Actually, last year pa ito dapat. Kaya lang di lang magkatagpo ang schedule. And excited na ako sa muling reunion namin ni Pooh. ‘Yung Poohkwang na ngayon ay hashtag Poohkie,” paglalahad niPokwang.
Magkakaroon ng US at Canada tour sa July at August ang bagong live comedy show nina Pokwang at Pooh. Makikipagkulitan din si Chad Kinis kina Pokwang at Pooh sa February 15 sa Dubai. “Buti nga napagbigyan kami sa kabila ng napaka-busy din ni Chad. Dati siya ‘yung nagsusulat ng mga materials ko sa comedy pero ngayon finally nakakasama na rin namin siya sa aming show. Very, very special guest namin siya. And malaking partisipasyondin talaga si Chad,” pagbabahagi ng aktres.
Masayang-masaya si Pokwang dahil tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng mga proyekto ngayong taon. “Very, very thankful sa paumpisang biyaya ng 2025, ‘Poohkie,’ di ba? Sana manood kayo at simulan natin nang tawanan, halakhakan ang 2025, ganern,” pagtatapos ng komedyana.
Jillian, kabado
Kagabi ay nagsimula na ang ‘My Ilonggo Girl’ napinagbibidahan ni Jillian Ward. Kaabang-abang ang dalawang karakter na sina Tata at Venice na ginagampanan ng Kapuso actress sa bagong serye. “Sobrang bago po ang lahat. Firstly, meron po akong character dito na suplada. ‘Yung isa ko naman pong character, Illonggang-Ilongga. So nagasasalita siya ng Hiligaynon, nagluluto po siya. Eh hindi po ako magaling magluto so far,” bungad ni Jillian sa GMA News.
Aminado ang dalaga na talagang kinakabahan sa bagong proyekto. “Honestly, kinakabahan po ako pero sabi ko nga ibinigay ni Lord, so I just wanna have fun. Kung ano man po ang maging outcome ng show, ang importante ay nagkaroon ako ng bagong friends dito. And I think naman marami kaming mapapasaya,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Si Michael Sager ang katambal ni Jillian sa bagong GMA Prime series. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ na nagtapos noong Oktubre. Mas napalapit na sina Jillian at Michael sa isa’t isa ngayon dahil sa trabaho. “Jillian and I’s relationship got closer through this project. Sa Abot Kamay nahihiya ako sakanya eh. Of course, si dok Analyn siya eh. So Off cam sa Abot, parang nando’n lang ako, nakikipag-TikTok,” nakangting kwento ni Michael. — Report from JCC
- Latest