Wildfire sa California, walang nakaisip na aabohin ang lugar ng mayayaman at sikat
Kaloka talaga ‘yung nangyaring wildfire sa Los Angeles.
Kaya naman nanawagan si Kim Kardashian para sa mas mataas na sahod sa mga bumbero na lumaban sa sunog sa Los Angeles County.
Sa ilang mga post sa kanyang Instagram story, pinasalamatan ni Kim (as if kilala ko siya) ang LA Fire Department at ang ahensya ng Cal Fire para sa paggamit ng kanilang lakas upang iligtas ang kanilang komunidad.
Totoo naman na nasa panganib ang buhay ng mga bombero sa tuwing may ganitong sakuna.
Imagine na hindi nila iniisip ang kanilang buhay kundi para lang makapagligtas ng buhay ng ibang tao.
Sila ang maituturing na mga bayani.
Tingnan ninyo ang nangyari sa California.
Imagine pati mga mansion ng mga sikat na celebrity, naabo ang mga ari-arian.
Hindi ko talaga ma-apprehend na may ganung magaganap na trahedya sa isang mayamang bansa tulad sa Amerika at sa lugar ng mga sikat samantalang pwede naman silang pagawa ng fireproof na bahay na palagay ko ay hindi rn nila naisip na darating ang ganitong pagkakataon dahil sa climate change.
Iba na talaga ang panahon ngayon. Maraming pagbabago na hindi madaling intindihin.
Hindi bongga.
- Latest