Abogado ni Darryl Yap, nagkamali sa Vic Sotto at Vic del Rosario?!
Kaagad na nag-react ang kampo ni Vic Sotto tungkol sa sinabi ng legal counsel ni Direk Darryl Yap na si Atty. Raymond Fortun na kinunsulta raw nila kay Vic Sotto bago nila sinimulan ang pelikula.
Sabi ng ilang napagtanungan namin sa panig ni Bossing Vic, wala raw silang natanggap na script nitong Pepsi Paloma movie.
Kasinungalingan daw iyung sinasabi nilang aware si Bossing Vic sa gagawin nilang pelikula.
“Binigyan niya ng kopya ng script ang isa sa mga kapatid ng petitioner. And he’s actually a very known and prominent person and pinadaan ito through an intermediary na kilala din nung kabilang grupo. Baka dalawa o tatlong beses yun na tinanong ni Direk Darryl kung merong reaksyon, may feedback, baka meron silang gustong idagdag. At wala,” sabi ni Atty. Fortun sa kanyang interview.
Kinontra naman ng abogado ni Vic ang pahayag na ito. Ang sabi ni Atty. Buco Dela Cruz sa ABS-CBN “Misinformed siya. Hindi totoo yan.”
Itinanggi rin kaagad ito ni dating Senate President Tito Sotto na nakatanggap siya ng kopya ng script ng pelikula.
“Not true. False. They gave a script to Vic del Rosario, not Vic Sotto. Vic nor I never read their script,” tweet ni Tito Sen.
Nag-react din uli ang kampo ni Bossing Vic sa isinumiteng motion for immediate consolidation with motion to cancel 15 January 2025 hearing. Obvious daw na pinapa-delay lang nila ang isinampang kaso ni Bossing Vic.
As of this writing ay hinihintay pa namin ang official statement ng MTRCB kung totoo bang hindi nila puwedeng i-review ang pelikula dahil sa Writ of Habeas Data na ibinabang order ng Muntinlupa Regional Trial Court.
Sabi ng ilang taga-MTRCB na napagtanungan namin, hindi pa naman isinumite sa kanila ang pelikula.
Maingat sila sa isyung ito dahil iniiwasan daw nila siyempreng mabahiran ng malisya dahil ang Chairperson ay si Lala Sotto-Antonio ay dapat na maging fair daw sila sa lahat ng kaso.
aktres, laging late, galit pa at natutulog pagdating sa taping
Nag-react ang production staff ng isang drama series sa blind item ni Tita Cristy Fermin tungkol sa isang aktres na laging late daw dumarating sa set, tapos galit pa at natutulog pa raw muna.
Kung totoo nga ito, grabe naman ang ganung attitude. Pero nagtaka kami bakit kaagad na ipinorward sa akin ng isang production staff ang BI na iyun ni Tita Cristy.
Tinanong sa akin kung ang bidang aktres daw ba nila iyun. Hindi ko naman alam kung siya nga ang tinutukoy sa blind item. Pero tinanong ko si production staff kung totoo ba ‘yun.
Nag-like sign lang ito, at hindi na ako sinagot.
Kinulit-kulit ko na kung ano ba talaga ang kuwento rito sa lead actress nila, pero hindi na rin sumagot.
Uninvited, ‘di dadalo sa MIFF?
In-assure ng taga-Manila International Film Festival na tuloy ang MIFF sa Los Angeles, California sa January 29 hanggang February 2.
Nagtanung-tanong na kami sa ilang film producers at kinumpirma sa aming dadalo ang kanilang artista.
So far, wala pang kinu-confirm na may darating na artista ang pelikulang And The Breadwinner Is, Uninvited, at Isang Himala.
Sina Direk Pepe Diokno at Sir Ricky Lee daw ang mag-represent ng Himala. Si Direk Perci Intalan naman sa Breadwinner, at wala pang may nag-confirm sa Uninvited.
Ang The Kingdom ang may pinakamaraming entourage na dadalo sa MIFF.
Nag-confirm daw ang dalawang bidang sina Vic Sotto at Piolo Pascual, kasama sina Sue Ramirez, Cedrick Juan, Dylan Menor, Direk Mike Tuviera at mga boss ng kanilang film production.
Sa Green Bones naman ay pupunta rin daw ang dalawang bidang sina
Dennis Trillo at Ruru Madrid, at sasamahan ni Jennlyn Mercado si Dennis.
Sa Strange Frequencies ay si MJ Lastimosa ang mag-represent kasama ang mga producers.
Sa Hold Me Close naman ay si Julia Barretto raw ang dadalo, at sa My Future You ay sina Seth Fedelin at Francine Diaz.
Ang mag-asawang Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza ang dadalo, kasama ang producer na si Sylvia Sanchez.
Ang Espantaho naman ay dadaluhan daw ni Judy Ann Santos, kasama ang producer na si Atty. Joji Alonzo. Dadalo rin ang mga ilang miyembro ng executive committee ng MMFF.
- Latest