^

PSN Showbiz

Ruru, balik-primetime

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Ruru, balik-primetime
Ruru Madrid

Ang ganda ng pasok ng taon kay Ruru Madrid.  Nanalo siya bilang Best Supporting Actor sa Best Picture ng MMFF50 na Green Bones.  At kahapon ginanap ang malaking pagtitipon sa Gateway para sa kanyang pagbabalik sa primetime show, ang Lolong 2.

Hindi lang maitanong ng press na umattend kahapon, pagkatapos ba ng promo niya sa show niya, sumegue rin kaya si Ruru sa INC Rally For Peace dahil kasapi siya ng Kapatiran?

Sina Gladys Reyes at Christopher Roxas kaya, Jon Lucas, Victor Neri, Anjo Yllana, Snooky Serna, ano kaya ang masasabi nila sa ginawang rally kahapon?

Kontrata ni Bea, hindi pa malinaw ang renewal?!

Finale week ngayon ng magkatapat na Lavender Fields at Widows’ War. So sino ba ang mas tinangkilik ng mga tao?

Generally, lamang ang Lavender Fields dahil kahit sa Netflix ay sinundan ito ng mga manonood. Pero may mga araw na umungos din ang Widows War pero mabibilang lang ito.

Ang mas mahalagang tanong, what’s in store for Jodi and Bea after this?

Si Jodi Sta. Maria, acting break daw muna. Tatapusin niya ang kanyang Masters in Psychology. Si Bea, kumusta na ang kontrata sa GMA7? Abangan!

MIFF, nasamahan ng hindi official entry

Marami ang nagtatanong, ngayong patapos na ang MMFF50, tuloy ba ang MIFF  (Manila International Film Festival) given the situation sa LA?

Bakit nakasama sa listahan ng mga featured films ang  Hello Love Again nina Alden Richards at Kathryn Bernardo gayung naipalabas na sa US iyun? Aside from the MMFF50 films, bakit nagsama ng pelikulang hindi nakapasa sa Selection nung nakaraang MMFF? Ano ang gagawin ng mga artistang lilipad doon kung sakali?

This is taking in consideration na sinalanata pa rin ang portion ng LA ng wildfire ha! Mano bang tumulong na lang ang mga Pinoy artists doon, di ba?

Butch Francisco, ‘maninira’ o ‘manunuri’ ng pelikula?!

Nang maglabas ng artikulo si Butch Francisco ukol sa MMFF 50 at sinabing ito ay tarnished at flop, at ang basehan nito ay box office returns lamang, inisip ba niya na iba ang konteksto ng panahon ng Rewind kumpara sa ngayon?

Sana ginalingan pa ni Butch ang kanyang pagsusuri para naman hindi siya pinagtatawanan ng mga nakatrabaho niya na ang punchline ay puwede siya diumanong  maituring na Maninira (instead of Manunuri) ng Pelikulang Pilipino sa mga pinagsasabi niya tungkol sa mga tao at bagay bagay na nakakarating mismo sa mga taong sinisiraan niya. Ingat!

Teka, ano nga ba ang nangyari sa show niya sa Viva? At totoo bang nagtapos na rin ang show niya sa FYE channel? Sa mga nakakabasa, mas maayos na ‘di hamak ang mga review ni Leo Katigbak na-co-host niya kumpara kay Butch. Ang tanong tuloy, bakit kaya walang nagtatagal na platform kay Butch Francisco? Saan ba talaga kilala na mahusay si Butch?

Nakakataquote:

“Let ‘s claim it, sa atin po ang taong 2025! Anuman ang ating pinapangarap; anuman ang ating hinahangad, basta mabuti ang ating intensyon, pinipili mong maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon, makakamit mo ang lahat ng tagumpay na inaasahan mo.”

- RURU MADRID

ACTOR

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with