Ivana kumalas na sa ini-endorsong alahas
BUMITAW ang sikat na social media influencer na si Ivana Alawi sa jewelry brand na LVNA by Drake Dustin ayon sa post ng kanyang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso sa post na inilabas sa kanyang Facebook page.
Naging endorser and later on investor si Ivana ng LVNA by Drake Dustin-Cebu branch. Sa post ni Atty. Joji, nagkaroon ng legal concerns sa contract between Ivana at Drake Dustin. Nagkaroon daw ng verbal arrangement ang dalawa to rescind the agreement.
“The matter on formal rescission of the agreement has already been filed and is now before the Regional Trial Court.
“As such, the use of Ms. Alawi’s name or image for purposes of LVNA’s brand endorsement or business dealings is considered unauthorized and must not be recognized in any capacity,” ayon pa sa post ni Atty. Joji.
Ruru, ‘di tinipid sa Lolong 2
BINAGO ng series na Lolong ang buhay ni Ruru Madrid!
Kaya naman sa mediacon ng series na may title na Lolong: Bayani ng Bayan, ipinagsigawan ni Ruru na ang series na nagpabago ng kanyang buhay!
True enough dahil magbabalik ang series simula sa January 20 and this time, mas maraming dagdag na cast kaya umabot sa 50 stars ang makakasama niya rito!
Sing-laki ng buwayang si Lolong nang ipanood sa media at fans ng trailer ng series dahil walang tipid ang maaksyon ang mga eksena lalo na nung may nangyari sa gumanap sa asawa niyang si Shaira Diaz!
Ang mga artistang bagong makakasama ni Ruru sa Lolong ay sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, Tetchie Agabayani, at iba pa.
- Latest