^

PSN Showbiz

Pano naman ako, hinaing ni Drei Sugay

Pilipino Star Ngayon
Pano naman ako, hinaing ni Drei Sugay
Drei Sugay

Pagmamahal sa sarili kesa pag-ibig na hindi sinusuklian ang pipiliin ng rising Kapamilya artist na si Drei Sugay ayon sa kanyang bagong inilabas na kanta na pinamagatang Pano Naman Ako.

Kinukumpleto ng bagong komposisyon niya ang song trilogy kasama ang mga awi­ting Idk Anymore at Wag Na Lang na inilabas noong nakaraang taon.

Tungkol ang “idk anymore” sa paghahanap ng sense of purpose sa mundo habang tamang pag-ibig naman ang tema ng “Wag Na Lang.”

Inareglo ni Tommy Katigbak ang “Pano Naman Ako” habanng prinodyus ito ni Drei mismo kasama si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Bago nagsimula ang karera ni Drei bilang singer-songwriter, nakasama siya sa The Voice Teens season 2 sa ilalim ng team ni Apl de Ap at naging bahagi rin ng  Idol Philippines  season 2. Bumida siya bilang si Fonzi sa Tabing-Ilog: The Musical ng PETA na itinanghal noong 2023 at 2024.

Pakinggan ang Pano Naman Ako single ni Drei na available na nga­yon sa iba’t ibang digital streaming platforms.

ARTIST

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with