^

PSN Showbiz

Character actress, naisahan ang mga bading sa ‘dakilang’ aktor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ngangey ang mga kabadingan na type maka-score sana kay guwapo at matipunong aktor nung nalasing-lasing ito sa isang party na dinaluhan nila.

Kuwento sa amin ng isang kaibigan, matagal na raw itong nangyari na kung saan may mabigat na pinagdaanan itong si guwapong aktor kaya nang dumalo siya sa isang pagtitipon na hindi na sinabi sa amin ng aming source kung ano at saan ‘yun, sobrang sad daw itong si aktor.

Kaya nilunod daw ang sarili sa alak at sinamahan naman siya ng ilang kaibigan.

Pero may ilang kabadingan na tila may balak kay guwapo at matipunong aktor. Kahit makahipo man lang daw o masilip ang ‘kadakilaan’ ni aktor ay happy na sila.

Kaso nakabakod pala itong si character actress na medyo may kalusugan.

Ang buong akala nila ay best friend ito ni aktor, hindi naman daw pala sila ganun ka-close.

Nalasing na si aktor, hindi na idine­talye kung saan siya tumuloy, pero kasama raw itong si aktres.

Si aktres ang nagwagi, dahil may nangyari raw sa kanila ni guwapong aktor.

May kabaklaan din kasi itong si aktres at ang type lang niya ay matikman si guwapong aktor.

Nagwagi at tinalbugan ni character actress ang mga baklitang interesado kay guwapong aktor.

Kaya pala minsan ay na-link itong si aktres kay guwapong aktor, nagkaroon pala talaga ng tikiman.

Ate Vi at Vice, umatras sa MIFF

Sa Jan. 14 na magtatapos ang Metro Manila Film Festival, at inaasahang ilalabas na ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang resulta ng box office.

Ang tinatarget daw nila ay maka-P800M ang kikitain nito, dahil ayon sa MMDA Chairman Atty. Don Artes, mahigit P700M daw ang kinita nito noong Jan. 7.

Pero salungat ito sa ibinibigay sa aming figures ng aming reliable source na may koneksyon sa mga sinehan.

Siyempre, ang wish naman ng lahat na ma­ging maganda ang resulta nito at sana maabot ‘yung target na P800M plus sa pagtatapos nito sa Jan. 14.

Ang inaabangan naman ngayon ay kung paano kaya itutuloy ang Manila International Film Festival doon na nakatakda sa Jan. 30 hanggang Feb. 2.

Ang ibang taga-Los Angeles na nagbakasyon dito ay hindi muna bumalik dahil sa hindi raw maganda ang hangin doon dulot ng malawakang wildfire na hindi pa rin natatapus-tapos.

Kaya ang ibang stars na kasali sa sampung entries ay ayaw nang tumuloy.

Nag-confirm na si Vilma Santos sa aming hindi siya makakasama, pati raw si Vice Ganda, kaya pinapakiusapan ang ibang nasa cast na sila na lang ang dumalo.

Dahil na rin sa trahedyang ito ay nag-announce ang bumubuo ng MIFF na nangangalap na rin sila ng donations para sa mga nasa­lanta nitong wildfire.

Sabi sa statement na ipinost sa kanilang Facebook account, “We are devastated by the wildfires raging in the Los Angeles area that have ravaged our community. Our hearts are with all whose lives have been irrevocably affected by this horrible tragedy and the brave first responders fighting to keep us all safe.”

Doon nila inilabas ang listahan ng mga nangangailangan ng donasyon, ang Habitat for Humanity of Greater Los Angeles, Canine Rescue Club, Community Foundation’s Wildfire Recovery Fund, World Central Kitchen, California Fire Foundation, YMCA of Metropolitan Los Angeles, at Los Angeles Regional Food Bank.

Bukod sa sampung entries, may iba pang pelikulang ipalalabas sa MIFF; ang documentaries na Nurse Unseen at Faith Healers, at ang mga pelikulang Genghis Khan, The Debut, Love Hurts at ang Hello, Love, Again.

Kaya isang screening lang pala ang bawat entry dahil sa rami nang i-screen nila sa buong Manila International Film Festival.

Sa awarding nito ay bibigyan ng parangal bilang 2025 MIFF Trailblazer Award ang kilalang Hollywood actress na si Tia Carrere.

ACTRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with