Mommy ni Bruno Mars nagpakilalang kamag-anak nila Richard; actor, kabisado ang military contractor
Ahh biglang naalala ni Richard Gutierrez na kamag-anak nila si Bruno Mars. At kung paano niya ito nalaman.
Kuwento ng actor noong isang gabi, na busy sa kasalukuyan sa pagpo-promote ng Incognito na mag-uumpisa nang mapanood sa Jan. 20, isang beses daw na nag-concert sa Pilipinas si Bruno Mars sa MOA Arena, ay nanood siya at kakambal na si Raymond.
Habang nanonood daw sila, nilapitan sila ng security ni Bruno at sinabing pinatatawag sila ng mommy ng Fil-American singer-songwriter na si Bernadette San Pedro Bayot.
Pumunta naman sila sa backstage at tuwang-tuwa raw ito (Mrs. Bayot) nang makita sila ni Raymond. At sinabing magkamag-anak sila sa side ng daddy niya, si Eddie Gutierrez.
Kuwento pa ni Richard, hanggang isinama pa sila sa after-party ng team ni Bruno pero mas matagal daw talaga nilang nakausap ang mommy nito.
But sadly, hindi nagtagal ay pumanaw ang ina ni Bruno kaya hindi na rin sila nagkaroon ng communication ng sikat na singer-songwriter.
Anyway, ang Incognito ang follow-up series ng ultimate action star sa matagumpay na Iron Heart. Tatlong story ang pinitch sa kanya, pero ito ngang Incognito ang pinili niya. “They pitched me three concepts, and I chose Incognito because ‘yung concept n’ya na private military contractor, actually binanggit ko ‘yan kay Direk Lester (Ong) during Iron Heart. Kasi, it’s something that I’ve been researching for a long time, ‘yung concept na private military contractor. Actually, binasa ko ‘yung mga books about that. Ni-research ko ‘yung Blackwater (American private military contractor) before, ‘yung first group na nakilala about private military contractors. So I’ve done my research,” paliwanag niya kung bakit iyon ang napili niyang gawin.
Bakit interesado o passionate siya sa ganun? “Nagkaroon ako ng interest sa story ng mga sundalo. Story ng mga Navy SEALs (United States Navy Sea, Air, and Land (SEAL) Teams). Nagkaroon ng time na naging fan talaga ako ng mga sundalo, mga servicemen sa States, mga Navy SEALs, ganyan. Kasi nag-portray din ako ng character before na sundalo. And then nag-training ako, nag-tactical training on my own.”
Noong bata ka pa, pinangarap mo na bang pumasok sa military? “Yes, actually nung nasa States ako, iniisip ko na ‘yun, na magsundalo ako after high school. Obviously, hindi ako pinayagan ng nanay ko (Annabelle Rama), kaya pinauwi ako sa Pilipinas. Kasi may mga kaibigan ako na naging sundalo sa America. And parang naging dream ko sya, actually, to be part of the Navy SEALs,” pag-amin pa ni Richard.
Dagdag pa niya : “Kasi nagti-training na ako ng martial arts before sa America. And then dream ko talaga siya. So ‘yun, growing up, naturally nagbabasa ako ng mga libro about it. Until I found out about this private military contractor who is doing secret missions.
“May mystery about them. Sino ba itong mga ito? They all come from different military backgrounds. Tapos ginagawa silang isang team for certain missions. So, naintriga ako dun sa concept na ‘yun. At sinabi ko ‘yun kay Direk Lester. And then Direk Lester, after Iron Heart, along with Star Creatives, they decided to conceptualize this Incognito. And alam ko na ‘yung project. Before pa nila pinitch sa akin, alam ko na ‘yun ang ipi-pitch nila sa akin. Plus the fact na sinabi nila na we’re gonna be filming all over the world. And it’s going to be a hard-hitting action. So, it’s a project that I can’t say no to. And working with the same team as Iron Heart. And then, awesome ‘yung cast. Something exciting,” paliwanag ng actor kung bakit Incognito ang pinili niyang gawin.
- Latest