Trending pa rin kahapon si Paulo Avelino.
Ito ay matapos na maglabas ng official statement ang Star Cinema tungkol sa naudlot na pagpapalabas ng pelikula nila ni Kim Chiu na My Love Will Make You Disappear na mapapanood na sa March 26 instead of Feb. 12.
Ipinaramdam nga ni Paulo ang kanyang pagkadismaya sa nasabing pagkaudlot ng showing sa isang tweet nung isang araw hanggang nag-unfollow pa sila ni Kim sa Star Cinema.
Binigyang-diin ng kumpanya na ang pagbabago ay bahagi ng pagsisikap nila na palawakin ang worldwide release nito particular na North America.
Bahagi ng statement ng Star Cinema : “The move comes in light of new developments and exciting opportunities to expand into the North American market. We are happy to share that global theatrical distributo Abramorana and award-winning international entertainment marketing firm Amorette Jones Media Consulting are collaborating again with Star Cinema in bringing the beautiful story to even more viewers as they believe in the film’s universal appeal that can captivate a broader audience.”
Makatulong kaya ang kontrobersyang ito upang umabot sa P1 billion ang kita nito sa takilya o malampasan nito ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo and Alden Richards?
Ito ang first movie ng tambalang KimPau na unang nagpakilig sa Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim.