Mikael sumusubok sa pamahiin ng buntis
Ginagawang katuwaan ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang pagbubuntis kasama na ang mga pamahiin tungkol doon.
Sinubukan nga ng aktor na patunayan kung totoo nga ba ang pamahiin na: “‘Pag kinain ‘yung tirang pagkain ng buntis, aantukin daw.”
Ipinost niya ang video kung saan sinubukan nga nila ang pamahiin at sa caption niya sinabi niyang ngayong buntis daw ang misis niya ay marami siyang nasasagap na pamahiin.
At ito raw ang madalas niyang niyang naririnig dahil lagi raw niyang inuubos ang pagkain ng ex-beauty queen-actress.
Makikita nga sa video na nakikikain siya ng maasim na mangga kay Megan at sinubukan nga niyang ubusin ang pagkain ng misis.
Pero pagkatapos nilang kumain ay makikita sa huling bahagi ng video na nakahiga sa sahig si Mikael at mukhang antok na antok na.
At sey ni Megan ay gising na gising naman siya.
Kaya napatunayan daw ni Mikael na totoo nga raw talaga iyon.
Nakakatuwa nga raw malaman ang mga ganitong bagay.
Kaya tanong niya ay ano pa raw ang mga pamahiin tungkol sa mga buntis na mukhang willing siyang subukan.
Kaya naman ang mga netizen ay nagkomento ng kanya-kanyang alam nilang pamahiin at marami nga ang naka-relate sa mag-asawa na napatotohanan ang sinabing pamahiin.
Bongga.
- Latest