Mark Herras, rumaket sa gay bar

Mark Herras

Nawindang ang sangkabaklaan nang biglang in-announce kahapon ng Apollo Male Entertainment ang laman nito, kagaya ng mga hosto bar sa Japan.

Ang kuwento sa amin, dalawang Vivamax o VMX actors ang nanggaling dito sa Apollo, at mga guwapo ang mga entertainer nila.

Pero iba pa rin ang dating kapag Mark Herras na ang special guest, kaya iba ang door charge nila. Ginawa na nilang P500 ang entrance, dahil kay Mark.

Kahapon ng madaling araw na isinalang si Mark at punung-puno ang buong bar na karamihan ay mga mayayamang kababaihan na kilig na kilig kay Mark nang magsimula na itong mag-show.

Nag-ala-Magic Mike ang Kapuso actor na pagkatapos niyang sumayaw kasama ang dala niyang back-up dancers, may pinaakyat silang girl at sinayawan nila ito.

Wala kaming ideya kung magkano ang ibinayad sa kanya, pero nakarating na ito sa ilang taga-Sparkle na nagha-handle sa kanya noon.

Ang iba ay naawa sa kanya na umabot na raw ito sa nagso-show na sa gay bar. Ang iba naman ay okay lang. Pareho lang naman daw ito sa ilang celebrities na nagpe-perform sa Japan na kung saan sumasayaw sila sa hosto bars doon, at ang iba nga ay nakipag-table pa.

Hindi naman isyu ‘yun dahil wala namang hanky-panky sa ganung trabaho. Medyo nadismaya lang kami sa entrance fee na P500. Para mapanood ang performance ng isang Mark Herras, okay na pala ang entrance fee na P500.

Hindi naman sa ipinagkukumpara, pero star na star pa rin ang dating ngayon ng dating katambal niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado. Ang mahal pa rin ng talent fee at ang mahal ng presyo ng tickets sa mga show nito.

Kailangang kumayod nang husto ni Mark dahil magdadalawa na ang anak nila ni Nicole Donesa.

Sana maayos na niya ngayon ang kanyang showbiz career dahil binibigyan pa rin naman siya ng show ng GMA 7 kahit hindi na ito hina-handle ng Sparkle.

Sayang nga ‘yung Widows’ War dahil maganda pa naman ang role niya na napunta kay Royce Cabrera.

Sana mabigyan pa si Mark ng magagandang projects ng GMA 7.

Gerald Santos, may courage movement sa kanyang concert

Ang lakas ng dating ng bagong single ni Gerald Santos na pinamagatang Hubad. Madaling sabayan, pero ang sexy ng dating ni Gerald sa kantang ito. Kaya nung nagpa-presscon siya noong Biyernes para sa concert niyang Courage, tinanong namin sa kanya kung pagbabago ng image na ba ito pagkatapos ng pinagdaanan niya noong nakaraang taon at ibinunyag ang pinagdaanan niya nung bata pa siya.

Sabi naman ng singer-stage actor, noon pa raw ay ‘yun na ang plano sa kanya ng Star Music, pero nawalan lang ng franchise ang ABS-CBN 2, kaya hindi na ito natuloy.

“Actually, year 2019 pa… ang weird nga e, kasi before mag-close ang ABS, meron na akong record deal with Star Music at that time, and meron nang mga song na parang ganito ‘yung tema kasi mag-reinvent na ako. Pero ‘yun nga unfortunately you know what happened with ABS, hindi na natuloy’ yung deal namin,” pakli ni Gerald.

Ngayon ay pasok na pasok itong Hubad na isa sa kakantahin niya sa kanyang Cou­rage concert na gaganapin sa SM North Skydome sa Jan. 24.

Doon na rin sa naturang concert ay ilulunsad nina Gerald ang grupong binuo nilang Courage Movement na ang pakay nito ay tumulong sa mga taong nabiktima ng rape, sexual harassment, sexual assault at ilan pang pang-aabuso.

“Itong Courage Movement, it will help ‘yung mga victims ng sexual abuse, harass­ment, ‘yung mga ganun. Kasi na-realize ko nung lumabas ako last year, na-realize ko how hard it was dun sa mga biktima. So, I want to offer help in every little way I can para sa mga victim. May mga lumalapit na nga sa akin. Last year, lumapit sa akin si Enzo (Almario) na biktima rin ng same person. So, dun nagsimula ‘tong Courage,” saad ni Gerald.

Hiningan na rin namin ng reaksyon si Gerald sa komento ng iba na tila nagagamit na raw nito ngayon sa kanyang mga trabaho. “Nasa kanila na ‘yun. Kung ano ‘yung opinyon nila wala naman akong magagawa dun. Everybody is entitled to their own opinion, and ‘yun nga, ‘yung sa isyu na ‘yun hindi naman ‘yun out of the blue in the first place. Kumbaga, ‘yung pinagdaanan ko na ‘yun matagal na, nung 2010 pa.

“Actually naalala ko nga, nung 2022 meron pa akong interview kay Butch Francisco about it, wala namang pumansin. Hindi naman siya abrupt na kasama ‘yun na gamitin, nagkataon lang na merong malaking pangalan sa industriya na napasabay. ‘Yun na ‘yung naging instrument ko.”

Show comments