Vic, parang bulkang nagalit
Hindi ko ma-imagine na ang isang very cool at kalmanteng Vic Sotto ay magpa-file ng demanda.
Talagang siguradong nasagad ang galit ni Vic kaya siguro nagawa niya ito. Siyempre may mga babae rin siya sa pamilya na alam niya na affected sa issue na binuksan ni Darryl Yap.
Dapat lang talaga na ipinakita ni Pauleen Luna ang suporta niya sa asawang si Vic sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi mo talaga aakalain na magagawa ng isang Darryl Yap ang ganitong bagay sa mga respetadong artista tulad nina Vic Sotto, Joey de Leon at senator Tito Sotto. Iginagalang sila sa industriya, mga star na tinitingala pero binalak hubaran at bigyang dungis ni Darryl Yap.
Dapat lang talaga ang naging hakbang ni Vic sa ganitong pangyayari. Kung ingay ang hinanap ni Darryl, nakuha niya ito pero in a way na hindi ko alam kung papabor sa kanya o sa project na ginawa niya.
Ewan ko rin kung makakakuha ng suporta sa mga taga-showbiz si Darryl Yap after this fiasco dahil mahal ng showbiz ang mga Sotto. Alam ng lahat kung gaano ka-polarized ang mga taga-showbiz na parang isang malaking pamilya na very respected ang mga Sotto, mula kay Tito, Maru, Val at Vic.
Sana nga ipagdasal na lang ng lahat na humupa ang galit ni Vic dahil talagang ang hirap ‘pag isang tahimik na tao na tulad niya ang magalit. Parang bulkan na mahirap awatin.
Hang on, Pauleen, bantayan mo ang asawa mo na tahimik pero grabe kung magalit.
- Latest