^

PSN Showbiz

Veteran actress ‘di na gumagalaw ang mukha; magandang aktres, adik na sa pagpapaayos ng mukha

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa naman itong veteran actress na napapaglaruan ng ilang production staff ang mukha  kapag napapanood ang eksena niya sa isang drama series.

Kapansin-pansin kasi sa mga madramang eksena, hindi raw gumagalaw ang mukha nito. Ilang beses din naman naming nakakatsikahan itong si veteran actress na super beso pa ‘yan ‘pag nasasalubong namin. Ganun pa rin naman ang mukha niya, at nakasanayan na namin ‘yung mga nabago. Okay lang naman ‘yun, dahil ginagawa naman ng iba ‘yan!

Napapag-usapan lang ulit kasi kamakailan lang, may lumabas na artcard na nandun ang litrato ni veteran actress. Gusto raw papalitan ng manager niya, dahil parang bungal daw siya roon.

Napapaglaruan tuloy siya dahil nga sa pangungulit ng manager na palitan ang litrato nito.

Naalala ko rin tuloy itong si magandang aktres na kapansin-pansin ang pagbabago ng mukha tuwing may pino-promote na pelikula.

Meron siyang pinromote nung mid of last year at nagulat kami dahil parang may binago ito sa mukha niya. Nitong bago natapos ang taon, visible na naman si magandang aktres dahil iba na naman ang mukha niya. Tila may pinabago na naman siya!

Parang type yata niyang tuwing may pelikula siya, iba ang fezlak niya!

Sofia, nakilala na ang bara-barangay na kamag-anak ni Allen

Hindi naitago ni Sofia Pablo ang kilig sa sagot ni Allen Ansay na siya na ang prinsesa ng buhay nito.

Wala naman daw iba pa kundi si Sofia lang ang prinsesa ng buhay niya ngayon, lalo na’t mas naging close na sila ngayon.

“Siyempre po masaya at masarap talaga sa pakiramdam sa puso na nandiyan para alagaan ka,” saad ni Sofia sa nakaraang media conference ng Prinsesa ng City Jail na magsisimula na sa Lunes, Jan. 13, sa afternoon prime ng GMA 7.

Nasa tamang edad na rin naman sina Sofia at Allen na kung saan 18 na si Sofia at 21 na si Allen, kaya medyo maluwag na ang Mommy ng young actress, pinapayagan na silang lumabas na sila lang.

Tanggap si Allen ng Mommy ni Sofia. Lalo na sa pamilya ni Allen at tuwang-tuwa naman sila nang nakilala na nila si Sofia.

Kinuwento ng magka-loveteam nung may shoot daw sila sa Bicol, dinala ni Allen si Sofia sa lugar nila sa Sangay, Camarines Sur para makilala raw ang pamilya niya. “Welcome na welcome po siya, tapos pinagluto ko siya kay Mama ng mga putahe na Bicol talaga, mga sili, mga gata. Na-enjoy n’ya po sobra,” dagdag niyang kuwento.

“Actually nung time na ‘yun nabigla rin po ako kasi kinukuwento niya sa akin na barangay daw halos kamag-anak niya. Akala ko inaasar lang niya ako. Ta’s… kasi nag-tricycle kami dun. Nagulat ako na lahat na nadadaanan namin, ‘uy manoy, uy tito!’ Sabi ko, hindi pala siya nagbibiro, halos lahat kamag-anak niya ang lawak ng pamilya niya.

“Ako kasi opposite, super small lang ng family ko. So, natuwa rin ako na at least ‘yung nakilala ko, ang laki ng family niya. So, it’s like I also had a family that I never had,” sabi naman ni Sofia.

Hindi pa naman daw sila, pero willing si Allen na maghintay kapag handa na si Sofia na maging sila.

“Ako po willing ako. Anytime sabihin niya… kapag sabihin niya, game ako,” napangiting kuwento ni Allen Ansay na proud nang may abs na raw siya ngayon para sa Prinsesa ng City Jail.

ALLEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with