Inigo, ligtas sa wildfires
Nakakalungkot pa rin ang nangyayari sa LA.
At nakakagulat lang ay ang paglabas pa rin ng mga fake news at fake photos kasama na riyan ang picture ng nasusunog na Hollywood sign diumano na fina-flag ng mga taga-Meta.
Kahit nga si Inigo Pascual ay nagsabing nag-evacuate na rin ang kanyang pamilya sa kanilang tirahan amid the catastrophic wildfires in Los Angeles, California.
Nagpakita siya sa IG Story na safe siya including his pets.
MIFF, apektado ng sunog
For now, alerto pa rin ang lahat.
Postponed ang Oscar nominations to next week na. Ang Manila International Film Festival kaya, paano kaya maaapektuhan ng wildfire na ito?
Salamat din sa mga artistang tulad nina G Tongi, Klaudia Koronel, at mag-asawang Krista Ranillo at Nino Lim gumagawa ng sariling efforts upang matulungan ang mga naapektuhan ng wildfire sa Los Angeles.
Susubukang mag-disappear?!
My Love Will Make You Disappear ang pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na showing na sa February, pero ano ang ibig sabihin ng cryptic post ni Paulo?
Sabi ng ilan, tila isang sarkastikong pahayag ni Paulo na may laughing emoji. “Mid-last year pa namin in-announce ito at hanggang ngayon ginagawa pa rin namin.”
”So, I’m sure umaabot na rin sa rurok yung excitement ng mga nag-aabang since Day 1.”
Ito ang mga nasabi ni Paulo sa mga naunang interview.
At naipahayag nga nilang nagsimula na sila ng promo sa pelikula.
Siguradong tatapusin naman ni Pau ang naumpisahang pelikula, sayang naman. Pero subukan kaya niyang mag-disappearing act din?
Coney, hinihintay magsalita
“Truly one of the projects I will never forget,” ang sabi ni Coney Reyes sa pagtatapos ng Shining Inheritance ngayon.
Markado naman talaga ang kanyang pagganap sa nasabing teleserye.
Nakakamangha rin ang pagka-cool at puno ng dignidad na disposisyon kahit sinasabing ang pagdadawit kay Vic Sotto sa kontrobersyal na teaser ni Darryl Yap ay posibleng si Vico ang collateral damage.
Sa mata ng tao, nasa gabay ng Diyos si Coney at humanda ang mga tao na kumokontra sa mabuti kapag si Coney Reyes na ang magsalita at may kasamang dasal, ‘di ba?
Pelikula ng Eraserheads, may rebelasyon sa breakup
It’s official—Eraserheads’ Combo on the Run shares the untold story of the band’s breakup and the challenges they faced leading up to their historic reunion.
At kakaiba ang gimik nito – ang sked for showing (muna, I guess) one weekend only.
Paano kaya ‘yun kikita? Malamang ipapakita muna nila na kayang punuin ang mga sinehan kapag limited run.
Tapos i-e-extend na lang after.
Ayon sa write-up, the film offers a deep, personal look at the band’s ‘painful’ breakup, the obstacles they overcame, and the journey culminating in their reunion concert in 2022. Kung ipinasok kaya ito sa MMFF50 official entry, mas kumita kaya ito kaysa sa ibang natanggap?
Nakakataquote:
“Our marriage, our relationship, our family is what gives meaning and purpose to my life, so why will I want to lose it! I will make it work and really pray and fight for it.”
– Kiko Pangilinan on his almost 29 years of marriage kay Sharon Cuneta
- Latest