Ahh, parang walang remorse si Direk Darryl Yap.
Ahh unbothered ang term ng ibang netizens matapos kasuhan ni Vic Sotto ng 19 counts of cyber libel dahil 19 x pala itong nag-post tungkol sa teaser ng ginawa niyang pelikula na The R*pists of Pepsi Paloma na unang inilabas sa kanyang social media platforms.
Wala pang nababanggit kung sino ang producer ng pelikulang ito at hanggang kahapon ay ang controversial director pa lang kinasuhan ng 35 million damages - P20M for moral damages and P15M for exemplary damages.
Pero ipinag-utos ng ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang pagpapalabas ng Writ of Habeas Data sa filmmaker na itigil ang pag-post ng teaser videos at promo materials, at ang pagpapalabas ng pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma.