Konektado ba sa hiwalayang Jak Roberto at Barbie Forteza ang cryptic post ng kapatid ng aktor na si Sanya Lopez?
Nag-post ang kapatid ni Jak kung saan may nakalagay na “KARMA SAYS
“God removes people from your life
“Because, He heard the conversations that you didn’t hear.”
Nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen na reaksyon ito ni Sanya sa breakup ng dalawa.
Naiintriga kasing third party ang dahilan ng hiwalayan at ang aktor ang itinuturong may kasalanan.
Maaalalang nagkaroon ng kontrobersiya si Jak kung saan na-link ito sa sexy actress na nagngangalang Ava Mendez at ikinokonek ito ng mga marites na maaaring iyon ang dahilan kaya nakipaghiwalay na si Barbie.
Pero sa post ni Sanya, hindi raw kaya patama ito kay Barbie sa totoong rason ng split ng dalawa?
Dahil nga sa nakaraang issue sa sexy actress ay sana raw ay may reaksyon din doon si Sanya kung saan sinabing naging touchy ang actor nang malasing daw ito.
Walang sinabing dahilan ang JakBie kaya hanggang haka-haka lang ang mga marites sa totoong dahilan ng hiwalayan.
Habang ang iba naman ay baka raw nagkataon lang ang cryptic post nito at wala naman daw kaugnayan sa mag-ex dahil magkaibigan daw sina Barbie at Sanya na parehong kabilang sa seryeng Pulang Araw.
‘Kaloka sila.