Vic Sotto, kakasuhan si Darryl Yap!
Nakatakdang magsampa ng demanda ang Eat Bulaga host at veteran actor / comedian na si Vic Sotto laban sa filmmaker na si Darryl Yap.
Kaugnay ito sa iprinoduce, sinulat, at inilabas na teaser ng controversial director para sa kanyang pelikulang The R*pist of Pepsi Paloma sa social media platforms kung saan direktang pinangalanan si Bossing kaugnay ng kontrobersyal na kaso.
Ayon sa news update mula sa TV5, kung saan ipinapalabas ngayon ang Eat Bulaga, nakatakdang ihain ni Vic at ng kanyang legal counsel ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court ngayong araw.
Nag-trending ang nasabing teaser ng pelikula ng director na nagsasangkot sa pangalan ng bidang actor sa MMFF movie na The Kingdom kung saan idinadawit ang TVJ sa kontrobersyal na pangyayari sa dating sexy star na si Pepsi Paloma.
Maraming beses nang napatunayang hindi totoo ang nasabing kontrobersiya.
- Latest