^

PSN Showbiz

Misyon na gawing accessible ang mental health services...Jodi, magma-master sa family at marriage psychology

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Misyon na gawing accessible ang mental health services...Jodi, magma-master sa family at marriage psychology
Jodi Sta. Maria

Ang maging accessible sa lahat ang mental health services ang advocacy ngayon ni Jodi Sta. Maria.

Kaya naman itutuloy niya this year ang Master’s Degree in pschology.

Naisip daw niya na bilang isang tao, marami pa siyang pwedeng gawin.

“Like what I’ve said din naman, this year, is a year for me to learn... and for me to grow.

“This year I’m starting my Master’s Degree in Psychology and I want to focus more on family and marriage therapy. ‘Yun ang magiging focus of my study,” sabi ni Jodi sa aming interview noong isang araw para sa finale ng Lavender Fields.

“The reason why I wanted to do this is to make the mental health accessible hindi lang sa mga magbabayad, kundi para sa lahat,” katwiran pa ng actress.

Pangarap daw talaga niyang magkaroon ng maliit na center.

Nauna na siyang nag-aral ng acupuncture detox kung saan siya nagkaroon ng certificate.

Pero katwiran ng actress hindi siya nangangarap o plinaplano sa lahat ng mga ginagawa niya.

Lagi na lang aniya niyang hinayaan ang Diyos kung anong ibibigay sa kanya.

“Parang every year naman parang leave it up to God kung ano ‘yung mga surprises na kung ano ‘yung na ibinibigay Niya. Co’z sometimes may mga blessing na dumating na hindi ko naman talaga prinay for or hindi ko naman in-expect ko.

“Dahil sa goodness Niya, binigay Niya, may iba naman na sinagot niya ang mga panalangin ko, parang ngayong 2025, though mas naging intentional lang ako sa ilang mga bagay na hindi ko na kontrolado.

“I always just leave it to Him. Si Lord naman alam Niya kung paano tayo ibe-bless.”

Sa pagtatapos ng Lavender Fields, ano pa ba ang inaasahan niya? Isa na naman bang character na susubok sa kanyang husay bilang actress?

“Hindi ko naman talaga siya inisip kasi parang for me ang gusto lang naman ay mag-perform, magtrabaho, kasi ‘yun ‘yung nasa heart ko, at first when I was working I wanted to work kasi I needed exposure when I was young, but then kahit papaano kapag tumatagal ka na rin sa industriya maraming ka na ring nagagawa, of course ang iisipin mo na is ‘yung filmography mo , your body work, you would want to leave na parang a legacy na ito ‘yung mga nagawa ko,” sabi pa ng actress.

Natanong ‘din si Jodi kung interesado ba sa showbiz ang anak Thirdy Lacson III : “I think when he was younger, when we were doing commercials and all, ‘pag nagge-guest kami paisa-isa sa mga kunwari mga TV show, I think as a child, parang out of curiosity and baby compliance to me bilang mom. But now that he is in his teens, this year, he is twenty years old na siya, so napag-usapan, talked ‘yan na, if it’s something na naco-consider niya ang showbiz, sabi niya ‘no.’ He really wants to carve his own path na hindi sa showbiz.”

Pero may girlfriend na ba si Thirdy? “Tatanungin natin.”

ACTRESS

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with