^

PSN Showbiz

Bela, busy na magpaputi bago mag-shooting sa Korea

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela, busy na magpaputi bago mag-shooting sa Korea
Bela Padilla

Magiging busy si Bela Padilla ngayong 2025 si Bela Padilla.

By second quarter, uumpisahan nito ang love story/romance/horror na pinamagatang Friday the 14th sa Rein Entertainment na partly ay kukunan pa sa Busan, South Korea.

Ididirek ito at pagbibidahan din ng Viva Artists Agency (VAA) talent.

Matatandaan na noong 2022 ay ginawa ni Bela ang kanyang directorial film debut na 366 katambal ang dating na-link sa kanya na si Zanjoe Marudo.

Samantala, kumpirmadong nasa Pilipinas na ang Supercharged Serums ng iWhite Korea na ineendorso ng aktres. Swak ito para sa kutis ng mga Pinoy dahil sa formulations nito. Kaya naman abot-kamay na ang Korean glow ni Bela para sa lahat.

Ang apat na ang variants ng Supercharged Serums ay ang Super Glow, Super Bounce Super Clear, at Super Plump.

Ligtas at epektibo rin daw sa lahat ng skin types ang bawat serum at madali lang itong gamitin. Maaari ring paghalu-haluin ang serums depende sa pangangailangan.

Kaya bongga si Bela.

ACTRESS

BELA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest