^

PSN Showbiz

ShaGab fans, nagwala sa tuwa

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
ShaGab fans, nagwala sa tuwa
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Tuwang-tuwa at nagdidiwang ang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil binati ni Gabby si Mega sa kanyang birthday noong Jan. 6.

May reel post si Gabby sa kanyang Instagram na ang nakasulat ay “Happy Birthday ‘Dear Heart’ Jan. 6, 2025.”

Hindi na kailangan ng caption ni Gabby dahil alam na ng ShaGab fans kung sino ang binati niya. Ang ginamit pa ng aktor na background music sa reels post ay Days I Will Remember ni Tyrone Wells.

Nadagdagan pa ang tuwa ng ShaGab fans dahil pinusuan ni Sharon ang post na ‘yun. Emojis ng three purple hearts ang sagot ni Sharon sa birthday greetings ni Gabby, may 91 replies ‘yun from the fans na hindi magkamayaw sa tuwa. Kaya kahit late na ang birthday greetings ng actor dahil Jan. 7, sulit naman daw para sa fans.

Naaliw lang kami sa mga kinikilig sa viral interaction na ito nina Gabby at Sharon dahil tila nakakalimutan ng fans na parehong married to their respective partners ang dating mag-asawa.

Sabagay, sabi naman ng ibang ShaGab fans, tanggap nilang masaya sa kani-kanilang asawa ang mga iniidolo nila at hanggang friendship na lang ang mamamagitan sa kanila.

Masaya lang daw sila na magkaibigan na uli ang mga ito at lalo pang nagpasaya sa kanila na okay na sina Sharon at KC Concepcion.

Heart, may pausong grape hair era!

New year, new hair si Heart Evangelista and for 2025, cherry violet ang kanyang hair color at may caption siyang “Chapter ‘25” at may hashtag na “#cherryviolet.”

As expected, positive ang feedback ng netizens sa hair color niya at comment ng hair stylist nito, “The 2025 trend officially started.”

Alam nang marami ang gagaya kay Heart, kaya ‘wag nang magtaka kung in the days to come, marami tayong makitang kababaihan na cherry violet ang hair.

May mga pa-shade lang ang ibang followers niya kay Pia Wurtzbach, inunahan na nilang gagaya ito kay Heart, magpapa-color din daw ito ng hair. Para hindi halata, hindi cherry violet ang gagamitin ni Pia, ibang color daw.

Nakakalungkot, dapat wala ng mga ganitong pa-shade dahil siguradong sasagot ang fans ni Pia at magsisimula na naman ang bardagulan online. Ang ganda na sana na natigil na ang online word war ng fans nila, pero parang itutuloy nila sa 2025.

Anyway, back to Heart, ang ganda ng hair niya, bumagay sa kanya ang cherry violet na tinawag ng netizens na “Grape hair era.” May mga nag-suggest pang dalhin niya sa Paris Fashion Week ang hair color niya. May iba namang ibang color sana ang gagamitin, pero nang makita si Heart, nagbago ang mga isip, cherry violet na rin ang gusto nila.

Sa mga ganitong reaksyon, may pauusuhin na naman siya and this time, sa hair naman. Masaya ito!

That’s… members, ‘pinatay agad’

Ang tindi ng pilot episode ng Mga Batang Riles dahil tatlo agad sa mga karakter ang pinatay ng writers at ni director Richard Arellano. Patay agad sina Cris Villanueva na gumanap na ama ni Kidlat (Miguel Tanfelix) at sina Tina Paner at Chuckie Dreyfus na ang mga karakter ay nagtatrabaho under Desiree del Valle (asawa ni Jay Manalo).

Inabangan tuloy kung sino ang papatayin sa mga karakter sa susunod na episode ng Mga Batang Riles. Nagkabiruan lang na parang hate ni direk Richard ang mga galing sa That’s Entertainment dahil ang tatlong karakters na namatay ay galing sa nasabing show.

Nagustuhan ng viewers na mabilis ang pacing ng series at gusto nila ang acting ni Miguel at Antonio Vinzon. Inaabangan nila ang iba pang cast na hindi pa nagpakita sa pilot episode.

ACTOR

ACTRESS

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with