Heart, nilagyan ng tilapia ang mga Hermes na ipinamigay sa kanyang team

Heart Evangelista

Grabe naman si Heart Evangelista na namigay ng Hermes bag sa kanyang team last Christmas.

Ayon sa mga nakapanood nito sa kanyang programa sa GMA 7, nakabalot ang mga mamaha­ling bag sa mga dyaryo at inilagay niya ito sa isang styro box na may tilapia.

Para raw hindi mahalata kaagad ang laman nito. “I always want kung anong mayroon ako, gusto ko lahat kami mayroon. Lahat naman tayong nagwo-work hard,” katwiran ni Heart na kilala naman sa pagiging generous.

Kaya naman makikita ang reaction ng kanyang team nang makita ang laman ng box na may tilapia.

Dasurv daw ng kanyang team ang naturang regalo.

“I know every single pagod, puyat, trabaho na ginawa natin wasn’t just work for you, and it’s not because you would say that pero nararamdaman ko na ginagawa niyo hindi lang dahil trabaho siya, (kundi) dahil mahal natin ang isa’t isa. So deserve,” sabi pa niya.

Pero siyempre kahit pa sabihin niyang hindi mahalaga ang presyo ng bag na Hermes, maha­laga ‘yun para sa akin dahil mahal ‘yun noh.

“Ako, sa totoo lang ako, sobrang babaw ko lang. Bigyan mo lang ako ng socks na may picture ni Panda, masaya na ako. So truly, it’s about the story behind it, and it’s about the heart that you give with the present na binigay mo sa mga mahal mo sa buhay,” hirit pa ni Heart.

Well, sana naman give rin kami si Heart ng Hermes. Hahahaha. Manifest lang, malay natin maging mabait din si Heart sa atin.

Show comments