Julius, tinalakan sa panggagamit kay FPJ
Babaw naman daw…
Umalma na ang katiwala ni FPJ (Fernando Poe Jr.) na si Susan Tagle at nag-push back na sa tinaguriang journalist na si Julius Babao.
Ito ay may kinalaman sa kanyang interview kay Anna Marin.
Sinabi ng isang Divina Quesada, “using FPJ’s name to gain viewers, what a shame.”
Ganyan na ba ngayon ang tinatawag na journalists – na kung usaping pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan ay nananatiling tameme at mababaw, at kapag sensational tsismis pang-artista, dyan umaariba?
Sabi nga ng isang netizen, “Hay naku patay na wala na sa mundo yung Mr n Mrs FPJ, huwag ng babuyin”
Attention, Mr. Babaw?! Ang tawag tuloy sa kanya ng mga netizens ngayon, Journo-least Babaw!!! Is this all about getting more followers and money? Ganu’n na lang ba talaga ngayon? Ano kaya ang masasabi ng TV5 Management sa ganitong klase ng journalism? ‘Di ba’t dapat sa showbiz la-ocean deep, puwede pa kami news nararapat ilagay si Mr. Babaw?
Romcom nina Dennis at Jennylyn, nireretoke
Palabas na ang trailer ng pelikulang Everything About My Wife starring Dennis Trillo at Jennylyn Mercado directed by Real Florido sa mga sinehan ngayon, kadikit ng ilang Metro Manila Film Festival entries. Exciting naman at promising ang nasabing trailer. Light, funny, at feel good.
Pero ano itong narinig namin mula sa mismong nakapanood na ng unang cut ng pelikula na chaka raw ang naging kinalabasan at pilit itong inaayos para gumanda naman ang kabuuan? Siyempre naman, after Green Bones na Best Picture at after mag-Best Actor ni Dennis sa MMFF50 (at pati naman si Jennylyn na marami na ring pelikulang pumatok at nagka-award sa MMFF). Ngayon pa ba sila magpapakakampante?
Ano ba talaga ang nangyari? Abangan natin ang pagpalabas ng pelikulang ito.
Pepsi movie, pwedeng kasuhan
Speaking of hype at ingay. Grabe at kabog ang lahat sa ginawang paunang ingay ng The Rapists of Pepsi Paloma, ‘di ba?
Grabe rin ang mga haka-haka tungkol sa itinakbo ng istorya at kung anong posibleng legal action ang gawin dito.
David, magiging hari ng Tondo
Lumabas sa mga balita – David Licauco as Hari Ng Tondo? Talaga?
Hindi ba ito ang unang in-offer kay Ruru Madrid pero meron na siyang nakalinyang Lolong 2?
Oh well, hot na hot ngayon si Ruru Madrid after niyang manalo bilang Best Supporting Actor sa MMFF50. Sana mabigyan talaga siya ng kaukulang pansin at endorsements ng kanyang Mother Network.
Eh si David Licauco, sana mahasa pa siya sa acting kasi medyo bano pa siya sa aktingan at dagdag na personalidad dahil nananatili siyang matabang sa panlasa ng mga manonood. Bakit kaya?
Maris at Anthony, magkikita na ulit
Lalabas na ba sina Maris Racal at Anthony Jennings sa promo ng Incognito na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN?
Nakakatuwa nga na warmly received ang post ni Maris tungkol sa international premiered movie niya na Sunshine na mukhang iikot na sa international festival circuit.
Ang Sunshine ay isang sports drama film written and directed by Antoinette Jadaone. Starring Maris Racal, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia, Annika Co at Meryll Soriano.
Ang pelikula ay tungkol sa young gymnast who finds out na pregnant pala siya on the week of the national tryouts. It premiered sa Toronto Film Festival noong Sept. 13 , at mape-penetrate na nito ang iba pang international territories soon.
Ito na kaya ang makakapagpabalik kay Maris sa mata ng publiko?
In the end, hindi kailangang magsalita o sumagot si Maris sa publiko. Ang maganda niyan, may naiwan siyang magagandang projects na magpapaalala sa mga tao ng kanyang husay sa pagganap.
Balik sa tanong, magpapakita na ba siya ulit para sa promo ng Incognito? Ano sa tingin ninyo, makakatulong ba?
Nakakataquote:
“Will someone please tell Julius Babao to stop using FPJ to gain an audience! It is simply disrespectful.”
– Susan Tagle, dating kanang kamay ni FPJ
- Latest