Kathryn, inisnab ang birthday ni Alden
Sobrang foul ang TikTok post ng isang fan na mukhang fan ni Kathryn Bernardo.
Sabi ba naman, “Barda ba kamo? At least si Kathryn may nanay at tatay kumpleto pamilya. Si Alden patay ang nanay.”
Umalma ang fans ni Alden Richards dahil bakit pati ang mom niya na matagal nang patay ay dinadamay sa galit nila kay Alden. Deleted na ang video dahil nga umalma ang fans ng aktor at na-mass report na rin ang account, kaso may nakapag-screenshot, kaya nalaman din kung sino siya.
May nag-comment naman na parang setup post lang ‘yun dahil iisang post lang ng account at kaya ginawa para raw pag-awayin ang fans nina Kathryn at Alden. Na nangyari na nga, nag-aaway-away sila, nagsisisihan, nag-aakusahan kung sino ang nasa likod at ang ending ng bangayan at ayaw na ng dalawang kampo na magkaroon pa ng project together sina Alden at Kathryn.
Siguradong hindi magugustuhan ni Alden ang mga ganitong post kapag nakarating sa kanya at tiyak na may magpaparating. Nakalulungkot na umabot na sa ganito ang sitwasyon, sobrang offensive nga naman.
Samantala, dito at sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna pa pala nag-celebrate ng birthday si Alden. After his birthday pa sila lumipad pa-Amerika at close friends lang at sina Mama Ten at Leysam and his family lang ang kasama niyang nag-celebrate ng kanyang birthday. Walang inimbitang artista sa surprise birthday sa aktor na lalong mas masaya.
Matteo, sa docu nilagay ng Kapuso
Wala si Matteo Guidicelli sa anniversary ng Unang Hirit, kaya akala namin, wala na siya sa GMA Public Affairs. But before Christmas, may nakita kaming photo niya kasama si Nessa Valdellon at ilang mga taga-GMA at tila, may miting na naganap.
A few days ago, in-announce ng GMA Network ang bagong shows at programs for 2025 at isa roon ang Philippine Defenders at nakalagay na si Matteo ang host. Isa itong full-length documentary “to pay tribute to the heroic men and women who protect the country’s sovereignty.”
Nababagay mag-host si Matteo sa docu na ito dahil isa siyang reservist.
Sa March 2025 ang airing nito, hindi pa siya nagte-taping at hindi pa in-announce kung saan kukunan ang docu.
Miguel, sinanay ni Ronnie Ricketts!
This Monday, Jan. 6, na ang premiere ng Mga Batang Riles at mukhang excited si Miguel Tanfelix nang itaas ng GMA ang billboard ng action-packed series habang nasa taas siya ng bridgeway na malapit sa network.
Pumuwesto si Miguel na nasa likod niya ang billboard, kaya nang kunan niya ng reels, hagip na hagip ang poster na sa January 6 na raw mapapanood.
In fairnesss sa kanya, sumabak sila sa matinding training at isa sa nag-training sa kanila ay si Ronnie Ricketts.
Pati nga parkour nag-training si Miguel para nga naman ibang action stunts naman ang mapapanood sa kanya at sa series.
- Latest