Nganga sa isyu... lovelife ni Daniel, kinabog ni Karla; Ubas challenge ni Kathryn, ginawang big deal
Bongga naman ang unang week ng January 2025. Nakaalala si papa Albee Benitez.
Kaya naman pakiramdam ko lucky 2025 para sa ating lahat. Sana nga tulad ng 2024 na naging maganda lahat ng aspeto ng buhay natin, mas maging maganda pang lalo ang 2025.
Anyway, hindi na nakakagulat ang ingay ng MMFF 2024. Talagang inaasahan na ng lahat na ‘pag filmfest tiyak na merong intriga. Pero bow ako kay Noel Ferrer, spokesperon ng MMFF, na coolheaded at hindi natataranta sa mga issue sa ginaganap na MMFF. Bongga siya.
Siguro kung ginawa ko ‘yung iskandalo kong scam, tulad ni Douglas Quijano smile lang ang Noel. Ganyan dapat ang mga namamahala, chill lang dapat lahat ng oras.
Siguro kung nataranta rin si Noel mas lumaki pa ang issue, pero dahil cool siya, nawala na lang at kahit pa nga pumasok pa ang issue ng hiwalayan starring ng mga the who na stars, wala lang.
Wala talagang exciting news kaya siguro nagtagal ang mga balitang festival. Now nga parang wala na namang malaking balita kaya pati ‘yung pagkain ng grapes ni Kathryn Bernardo sa ilalim ng table na ginagawa niya naman every year, ibinabalita na rin.
Mas exciting pa yata ang lovelife ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. So talagang dapat nang tumulong ang stars natin para mabalik ang dating init ng showbiz at interest dito ng bagong generation.
At talagang malaki ang tulong ng SPEEd o Society of the Philippine Entertainment Editors at iba pang showbiz orgs sa mga malalaking event sa showbiz tulad nga nitong MMFF.
Kailangan ngayon ang “helping each other” attitude para mag-survive. Tulungan dapat lahat ng may kinalaman sa showbiz para mabalik ito sa dating ningning para bongga.
- Latest