Natural naman na bawal daw gawan ng news story sa TV5 news ang Pepsi Paloma movie ayon sa aming source.
Eh alam naman siguro ninyo ang dahilan base sa teaser ng bagong movie ni Darryl Yap na naglabasan sa social media.
Wala naman kasing censorship ni sa digital/social media kaya doon inilabas ang teaser.
Sa sinehan naka-announce na ilalabas ang movie. Si Lala Sotto ang chairman ng MTRCB.
Sa streaming app marahil ang bagsak ng pelikula kung matutuloy itong ipalabas.
MMFF movies, nasa sinehan pa
Puwede pang habuling panoorin ang entries sa 50th Metro Manila Film Festival na ngayong Martes, Jan. 7, magtatapos except sa iba na may extension sa ilang sinehan.
Base sa unofficial receipts ng lahat ng pelikulang ipinalabas, mukhang hindi nito malalampasan ang kinita ng 2023 MMFF, huh!
Tingnan natin kung sa showing ng entries sa Manila International Film Festival o MIFF, makadagdag para lumaki pa ang gross receipts ng 50th Metro Manila Film Festival, huh!
Teka, anong local movies kaya ang ipalalabas simula Jan. 8? O pawang foreign films naman ang ihahain after ng MMFF?