Belle, kasing ganda ng mukha ang ugali
Curious na curious na akong makita at makilala in person si Belle Mariano.
Talagang nagugulat ako ‘pag nakakatanggap ng mga bagay na padala niya.
Gulat at talagang touched ako dahil never pa kaming nagkita in person, o nagkakilala pero nakakaalala siya at ang kanyang team.
I feel so grateful sa pagiging sweet at thoughtful niya. At talagang gustung-gusto ko siyang makilala.
Alam n’yo ba na ‘pag may pinuntahan ako at marinig ko na nandu’n din si Belle Mariano, ako mismo ang lalapit at magpapakilala sa kanya.
It will be an honor for me to meet her at sana maging close kami dahil napakabait niya. Talagang kung magkikita kami grabeng pasasalamat ang ibibigay ko sa kanya dahil sa kabaitan niya.
Talaga siguro ‘pag maganda ang kalooban mo, maganda rin ang face mo, dahil ‘pag napapanood ko si Belle Mariano gandang-ganda ako sa mukha niya.
Thank you, Belle, sa sweetness mo. It is really unforgettable for me na merong isang star like you who always remember.
Kaya walang puwedeng mang-away kay Belle, talagang ipagtatanggol ko siya noh.
Hahaha. Stay beautiful, Belle. Dama ko na mas sisikat ka pa.
- Latest