Gerald at Enzo, itutuloy na ang demanda sa musical director!
Isa sa mainit na pinag-usapan at maituturing na newsmaker ay ang isyung kasuhan ng sexual harassment at rape sa mga kalalakihan.
Sinimulan ito ni Sandro Muhlach, at umakyat na sa korte ang kasong Rape with Sexual Assault laban sa dalawang independent contractors ng GMA na sina Richard Cruz at Jojo Nones.
Ang latest na nasagap namin sa isyung ito ay magkakaroon na ng arraignment sa Jan. 17 na gaganapin sa Manila Trial Court 46, RTC 114.
Inaasahang magtatagpo roon ang dalawang kampo. Tiyak na nandun sina Nones at Cruz para sagutin ang arraignment na inaasahan na naming mag-‘not guilty’ sila. Aalamin pa kung dadalo si Sandro, at kung ano ang magiging reaksyon ‘pag mag-not guilty ang dalawa.
Pero nakatakda na rin daw magsampa ng reklamo sa DOJ sina Gerald Santos at ‘yung kasabayan niyang si Enzo Almario laban sa musical director na si Danny Tan.
Ito ‘yung matagal nang inaabangan kung magpa-file ba sila, at eto na nga finally ay isasampa na nila ang reklamo.
Nasa New York pa ngayon si Gerald para sa isang concert niya roon, at kaagad na babalik siya rito para i-promote ang concert niyang pinamagatang Courage na gaganapin sa SM Skydome North EDSA sa Jan. 24.
Meron pang naka-schedule na pagsisimula naman ng hearing ng kasong rape laban sa isang indie director na inakusahan ng talents niyang menor de edad na hinalay diumano nito.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang reklamong Sexual Harassment na isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.
Sa darating na Martes, Jan. 7, ay magpa-file na si Archie ng rejoinder at pagkatapos niya itong isumite ay hihintayin na lang ang resolution ng piskalya kung aakyat ang kaso o hindi.
Kaya patuloy pa ring pag-uusapan itong isyu ng sexual harassment at rape, na sumasabay naman itong pasabog na pelikula ni Darryl Yap tungkol kay Pepsi Paloma.
Kanya-kanya na silang payanig ngayon sa pagpasok pa lang ng taong 2025.
Nanay ni Barbie may pahaging sa third party?!
As of this writing, wala pang ipinost si Jak Roberto sa kanyang Instagram account kaugnay sa breakup nila ni Barbie Forteza.
Ang dami naming pinagtanungan sa GMA 7, at kahit sa Sparkle ay wala raw silang alam.
May ilang bumulong sa aming baka raw may third party, dahil mismong ang ina ni Barbie ay tila pabor sa kanilang paghihiwalay, pero pawang haka-haka pa lamang ‘yun.
Nag-post kasi ang ina ni Barbie na nagpahayag ng suporta sa desisyon ng anak.
Sabi nito, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit. I’m so proud of you.”
Pero yung ‘n’ at ‘t’ sa salitang ‘didn’t’ ay na-x na.
Kahit ang kapatid nito ay may post ding “gusto ko happy ka.”
Kaya ang duda ng karamihan ay mukhang matagal na itong pinagdaraanan ng relasyon ng dalawa, pero hanggang dun na lang talaga. Hindi nila nalagpasan ang tinatawag nilang “7-year itch.”
Kamakailan lang ay guest pa si Jak sa Lutong Bahay ni Mikee Quintos at sinabi pa nito ang isa sa balak na pagpapakasal kay Barbie.
Tinatapos lang niya ang ipinapatayong bahay, na kung saan ay ipinagmalaki pa niya ito kay Barbie.
Ang tanong ngayon, lalo kayang lalakas ang tambalang BarDa nina Barbie at David Licauco dahil sa hiwalayang ito?
Marami naman sa GMA 7 ang nagsasabi sa aming walang kinalaman si David sa paghihiwalay.
Hindi naman lingid sa lahat na meron namang non-showbiz girlfriend si David, at hanggang loveteam lang talaga ang namamagitan sa kanila ni Barbie.
Pero sa mga napagtanungan ko, may mga nagsasabing malakas ang kutob nilang may third party involved at babae ang dahilan.
‘Yun ay base sa naobserbahan lamang nila, wala namang may nagkumpirma nito.
Parang pagdududa lamang ‘yun, habang tahimik pa lang ang Kapuso actor.
- Latest