Sen. Jinggoy, tutulungan si Robin
Tumutulong na si Sen. Jinggoy Estrada upang mapalawak ang mandate ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang bantayan pati ang streaming platforms na mabilis ma-access ng mga kabataan na walang tamang classification (si Sen. Robin Padilla ang author ng bill).
Panahon pa ni former MTRCB chair Rachel Arenas ay inilalaban na niyang magkaroon ng karagdagang batas upang mapalawak pa ang power ng MTRCB upang bantayan ang mga palabas na mabilis na napapanood ng hindi angkop sa edad ng mga bata.
Anyway, ayon sa record ng MTRCB na pinamumunuan ngayon ni Chair Lala Sotto, nakapagrebyu sila ng mahigit 267,000 sa nakalipas na 2024.
Mas mataas raw ito kumpara sa 255,220 noong 2023 at 230,280 noong 2022.
Kabilang dito ang 264,424 na mga materyal para sa telebisyon, 592 pelikula, 549 movie trailers at 1,525 publicity at optical media na isinabmit ng mga producer at istasyon para mabigyan ng angkop na klasipikasyon.
Sa halos 600 na pelikula, 30 dito ay rated G (angkop para sa lahat ng manonood), 298 rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), 251 ang R-rated, habang 13 ang na-X o hindi pinayagang maipalabas sa mga sinehan.
Bagama’t limitado lamang ang kakayahan at kagamitan ng Ahensya, ang bilang ng mga narebyu ng Board ngayong taon ay sumasalamin umano sa dedikasyon na matiyak na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng materyal sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng industriya ng paglikha dahil sa teknolohiya.
Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ang lahat ng isinabmit sa Board ay nabigyan ng “age-appropriate ratings” habang balanseng tinitiyak na may malayang pagpapahayag at pagprotekta sa manonood.
- Latest