^

PSN Showbiz

Maki, may alay para sa magtrotropa

Pilipino Star Ngayon
Maki, may alay para sa magtrotropa
Maki
STAR/File

MANILA, Philippines — Kasunod ng tagumpay ng kanyang two-day sold-out concert, naglabas si Maki ng isa na namang makulay na kanta na tinawag na Bughaw.

“Itong kanta na ‘to gusto ko maging anthem siya ng magtotropa. Sabay natin habulin ang dulo ng bughaw,” kwento niya.

Ito aniya ay para mag-inspire sa mga magkakaibigan na gawing ‘bughaw’ ang kalungkutan. “The sadness na naghihintay sa atin, let’s turn it into blue, like blue sea, or blue sky. Kahit tumanda tayo, magkakalayo na tayo, look at the sky, it’s just the same. Kung iiyak ka, iiyak din ako,” dagdag ng mang-aawit mula sa Tarsier Records.

Inawit niya ang Bughaw sa Maki-Concert na ginanap sa New Frontier Theater noong Nobyembre 29 at 30.

Sinusundan ng awitin ang iba pang color-themed singles ng Kapamilya artist na Dilaw at Namumula.

Nakatakda namang dalhin ni Maki ang kanyang Maki-Concert sa Waterfront Hotel and Casino Cebu sa Enero 11 at University of Baguio sa Enero 24. Bukod dito, kasama rin ang CDO sa regional leg ng nasabing concert.

Available na ang tickets para sa Maki-Concert sa Cebu sa smtickets.com.

Pakinggan ang friendship anthem ni Maki na Bughaw, na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok at YouTube.

MAKI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with